Posts

ANG KABAYO SA TORINO

Image
PAGBABALIK   SA TORINO, ITALYA ni E. SAN JUAN, Jr. Isang tahimik na dapit-hapon iyon nang walang anu-ano’y latikuhin at hagupitin ng may-ari ang kabayong upahan— Ulanin siya’t arawin, walang imik kapwa ngunit sandaling huminto, biglang hinataw, pinalo’t walang humpay na hinagupit Nagkataong nasaksihan ito ni Friedrich Niezsche— nanuot sa laman ng pantas ang latay mula bumbunan hanggang talampakan dagling sumugod at niyakap ang pobreng hayop na nakalupasay, pagkwa’y nauntol  natigagal  dahan-dahang  bumalik sa ulilang silid ilang araw pagkaraan, wala pang ‘sang linggo, siya’y natuklasang baliw…. Limot na ang kabayo ni Bartolommeo Colleoni, ni Heneral Andrew Jackson; Hindi maisingkaw ang animal ni Don Quixote, isinugang Pegasus…. Sa lansangang maulap humahagos ang anino ng Imperador Alejandro biglang dumagsa sa ulo ng tropang sumusugod lulan ng dumadambang Bucephalus,                   ...

TRANSISYON

Image
TRANSISYON: ANG UNA AY HULI..... Kahapon, sa "Last Will and Testament" ng yumaong awtor Benjamin Appel,     nakasulat ang habiling "Huwag gumastos sa punerarya, sunugin ang labi at        itapon sa gubat o dagat."  Simple lang. Samantalang nagbabala na ang rehimeng Aquino ng CyberCrime Law Bukod sa nakasusukang krimeng hagupit sa bayan: 114 biktima ng Extrajudicial     killings, 127     ng bigong pagpatay, 70 ng tortyur, at 12 ng sapilitang pagkawala     (dokumentado ng KARAPATAN). Nakahalang ang mga kalansay at duguang bakas ng biktima sa tarangkahan ng     Malakanyang. Wala pa akong nilagdaang "Huling Habilin" ngunit taas-kilay na         ang pagmamatyag sa bumubulwak na putik sa angkla bago ilaglag ang             layag.... Naudlot ang pangakong ipadadala ko ang protesta sa pagkapiit nina Alan Jazmine...

PATUNGONG ANTARTIKA (rebisado)--E. SAN JUAN, Jr.

Image
PATIANOD SA AGOS NG  DAGAT PATUNGONG ANTARTIKA Ayon sa pantas, walang bago sa ilalim ng araw, ang nagawa'y gagawin muli     at ang nangyari na'y masasaksihan muli, lahat ay nasa kahinugan. Ano pa ang isasakatuparan sa gulang na ito? Buhay ay isang biro, magaan o mabigat, mapait o maanghang.... Ang katalagahan ay di kapani-paniwala, kakatwa, nakamamangha. Ngayon at sa oras ng paglisan, ipanalangin sa kalikasan ang mga inulila't        iniwan. Matanda ka na't maraming kapanahon ay lumisan na, tumugpa na     patungong Antartika. Kaya di katakatakang umarte kang baliw, hibang, kulang-kulang.... Nakapaligid ang mga multo ng lumipas, mga kaluluwang nanunukso. Humihingi ako ng sagot ngunit di ako binigyan.... Ngayon at sa oras ng paglisan, ipanalangin sa babaylan ang mga inulila't     iniwan. Hinanap ko ngunit di ko natagpuan--baka pinuslit ng tusong  mangkukulam O ng aninong kaharap ko sa salamin, kakak...

TUNGO SA ANTARTIKA--tula ni E. San Juan, Jr.

Image
DESAPARECIDONG PATIANOD SA DAGAT  PATUNGONG  ANTARTIKA Ayon sa pantas, walang bago sa ilalim ng araw, ang nagawa'y gagawin muli at ang nangyari na ay masasaksihan muli, lahat ay nasa kahinugan. Ano pa ang isasakatuparan sa gulang na ito? Buhay ay isang biro, masela't mabigat, mapait at maanghang.... Ang katalagahan ay di kapani-paniwala, malimit nakamamangha. Ngayon at sa oras ng paglisan, ipanalangin sa kalikasan  ang mga     '          inulila't iniwan.   Matanda ka na't maraming kapanahon ay lumisan na, tumugpa na     patungong Antartika. Kaya di katakatakang umarte kang baliw, hibang, kulang-kulang.... Nakapaligid ang mga multo ng lumipas, mga kaluluwang di makatulog. Humihingi ako ng sagot ngunit di ako binigyan.... Ngayon at sa oras ng paglisan, ipanalangin sa babaylan ang mga        inulila't  iniwan. Hinanap ko ngunit di ko nat...

TUNGKOL SA USAPIN NG WIKANG PAMBANSA PARA SA PILIPINAS--ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
INTERBENSIYON SA USAPIN NG PAMBANSANG WIKA (Panayam sa Ateneo University, March 12, 2008) ni E. San Juan, Jr. 1. Sa kasalukuyang matinding sigalot sa bansa, anumang talakayan hinggil sa wika ay tiyak na magbubunsod sa isang away o maingay na pagtatalo. Kahawig nito ang usapin ng kababaihan. Laging matinik ang isyu ng pambansang wika, isang sintomas ng pinaglikom na mga sakit ng body politic. Tila ito isang mitsang magpapasabog sa pinakabuod na mga kontradiksiyong bumubuo sa istruktura ng lipunang siyang nakatanghal na larangan ng digmaan ng mga uri at iba’t ibang sektor. 2. Lalong masahol siguro kung sabihin kong nasa panig ako ng mga nagsususog sa isang pambansang wikang tinaguriang “Filipino.” Tiyak na tututol ang mga Sebuano, Ilokano, Ilonggo, mga alagad ng Taglish, o Ingles, o Filipino-Ingles. Ngunit hindi ito maiiwasan, kaya tuloy na tayong makipagbuno sa usaping ito upang mailinaw ang linya ng paghahati’t paglilinaw, at sa gayo’y makarating sa antas ng pagtutuos. 3. Sa...

PAMANA NG MGA KASAMA--ni E. San Juan, Jr.

Image
PAMANA NG MGA KASAMANG NAUNA NANG TUMUGPA MULA  SA NAGKAKAISANG HANAY [Handog sa alaala nina  Romeo Capulong,  Roger Rosal, at Arman Albarillo] Sa dulo ng duguang bahag-hari, ano—sino ang naghihintay? Isang kunang bakante na, gayak ng kumanlong at kumalinga sa darating-- Gumapang na ang sanggol mula sa pusod ng inang ginahis ng agilang           mandaragit…. Sa dulo ng landas, saksi ang magkatipan sa kariktang pumaimbulog Kahiman nabuwal, bumangon na sa matris ang bayaning kikitil Sa uring mandaragit sa kabilang dulo ng bahag-hari, kahimanawari— Langit sa lupa’y magkatalik sa tagpuang kumanlong at humiwalay Kahit sandali lamang lumitaw  ang mga kulay na kusang naglaho Laging gayak makitunggali habang dumaramay, saksi sa pagsilang.                     --ni E. SAN JUAN, Jr.

BUKAS NA LIHAM TUNGKOL SA KRITIKA CIRCA 1972> Sagot kay Virgilio Almario

Image
ANG KONTRADIKSYON NG PAKIKIBAKA AT NI VIRGILIO ALMARIO: ISANG BUKAS NA LIHAM 12 Setyembre 1972   Connecticut, USA Mahal na Kasamang Roger:      Salamat sa kopya ng Dawn, Agosto 17. Ngayon ko lamang natanggap ito. Ang “panunuring pangmasa” ni Virgilio S. Almario, diumano’y tungkol sa 1 Mayo 1971 at iba pang tula, ay nais ko na sanang palampasin yamang ang madaramang animus at hangarin nito’y hindi lamang magpahayag ng mga kuru-kurong pampanitikan kundi manapa’y tahasang maghusga sa karakter ng awtor—sa kahapon, ngayon at kinabukasan ng karera ng isang indibidwal, di lamang katawan kundi pati ispiritu, at wari baga’y bumigkas ito ng “Huling Paghuhukom.”      Nag-atubili ako’ng baka hindi magkasya kay Almario ang mga nasiping kumpisal ko (baka magdemanda pa ng penitensya sa Isla Balut) o kaya’y maging tampulan lamang ng personal na apolohiya ang sagot ko.  Di napaunlakan ang unang udyok ng kalooban.  Naisip kong maraming mabigat na p...

KALIGRAMATIKANG SINING --E. San Juan, Jr.

Image
KALIGRAMATIKANG   SINING: Daluyang Hinabi sa Pasumalang Damdamin at Dalumat 1.   Makulimlim sa Perlas ng Silangan    abot-tanaw ng bulag na Lumad             nagulat   sa             pagsabog ng agilang   misil    kidlat ng bituin     guhit ng kulog 2.   Pagputok ng buwitreng drone paano ipaliliwanag sa nagdilim na utak nina             Burgos               Cadapan    Empeno   Olalia               Alejandro    Kumander Posa                           Itulad sa bathalang nagbitiw ng ...
Image
DIWATA    BABAYLAN Ni E. San Juan, Jr. Nasilayan kang nakahiga sa bato ng dalampasigan Balatkayong hinubad  hinimay ng amihang bumubulong-- Malikmata? O singaw ng magayumang pangako’t pag-asa? Nasilip ko sa hiwa ng dibdib ang silahis ng matang nilambungan…. Alimpuyo ng damdamin sa Oktubre ng ulilang kaluluwa Kalansay ng naglahong aliw “sa pagkatimawa ng mga alipin”— Bulang kislap sa guniguni ang lumagos sa hiblang hawla ng iyong buhok Kapagkwa’y lumusong ka sa lagim at dahas ng ligalig Binalangkas ang gubat at bundok, kaulayaw ang masang dumamay Mabighaning paraluman, saang likong landas ka naghihintay? Mula sa usok ng nagliliyab na lungsod bumangon ka Yakap ang katawan ng mga dukha’t aliping pinagsamantalahan-- Sa guho ng lungsod nalugmok ang gunita ng tipanang inaasam…. Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot, pulang tala’y nakatanod Patnubay sa tadhanang iniluwal sa matris ng budhi’t utak-- Silakbo ng pangarap sa Nobyembre ng nagluksang kaluluwa… Mapanuksong paraluman, s...

LIMOS SA PRAHA, CZECH REPUBLIKA---tula ni E. San Juan, Jr.

Image
KAWANGGAWA  SA TULAY NI IMPERADOR CARLOS IV SA PRAHA, CZECH REPUBLIKA ni E. San Juan, Jr. Balak naming maglakabay patungong Leitmeritz upang dalawin ang dating tahanan ni Ferdinand Blumentritt sa Bohemia, dating bahagi ng Imperyong Austro-Ungaria noong dantaong 1800 ngunit napadako sa tulay kung saan umakyat-pumanaog sina Jose Rizal at Dr. Maximo Viola noong 1887 patungong Vienna kung saan ang bayani                          ay nakayapos ng kalapating mababa ang lipad.... Akala ko'y nadapa lamang sa mabatong kalye ang nalilimahid -----nakatalukbong  nakalawit ang mga palad    nakasubsob ang mukha Nabuwal sa gitna ng madlang nagliliwaliw  walang pakialam-- Patuloy ang buhos ng turistang nanonood, bumibili, kumakain, tumatae, nabighani sa luho ng kapitalismong sumakop sa dating "komunistang" bansa... Nakadipang katawang alay sa kung anong...