Posts

Showing posts from April 11, 2010

TAO TE CHING / DAO DE JING --in Filipino/Tagalog (Chapters 9-40) by E. SAN JUAN, Jr.

Image
TAO TE CHING / DAO DE JING Kabanata 9-40 (Second Installment) Salin sa Filipino ni E. San Juan, Jr. 9. Mabuting huminto bago mapuno ang sisidlan sa halip na umapaw ito. Kung labis na hasain ang talim, di magluluwat ay mapurol na iyon. Kung ang silid mo’y siksik sa ginto at batong ihada, di mo mababantaya’t maipagtatanggol iyon. Angkinin ang yaman at titulo’t upang magpalalo, di magluluwat babagsak ang parusa. Lumigpit kapag tapos na ang mabuting gawa. Iyan ang Tao ng langit. 10. Dala ang katawan at kaluluwang magkayapos, nagtatalik, Maiiwasan mo ba’ng pagbukurin sila? Tipunin ang diwa at magpalambot, Maari ka bang tumulad sa isang bagong supling? Hinuhugasan at pinaglilimi ang pinakalantay na kamalayan, Maari ka bang walang sira? Minamahal ang lahat at namumuno sa bayan, Maari ka bang umiwas sa pagkilos? Binubuksan at ipinipinid ang tarangkahan ng langit, Maaari ka bang gumanap sa papel ng babae? Nawawatasan at bukas sa lahat ng pangyayari, Maari ka bang walang ginagampanan? Nan...