PURO SALITA, KULANG SA GAWA?
PURO SALITA, KULANG SA GAWA? Isang Pagsubok sa Diyalektika ng Kritika ng Sandata at Sandata ng Kritika, ayon kay Karl Marx [In Memoriam Cherith Dayrit-Garcia] Para kay CPA Pambihira ka Matatag matingkad mabagsik ang luntiang apoy sa iyong mga mata Habang dumadampi ang hamog ng umaga Sa iyong pisnging hinog sa pangarap ng dinukot at ibinilanggong kinabukasan— Nagliliyab ang iyong tapang, nakapapaso ang dingas ng iyong determinasyon— Nabighani sa alindog ng iyong dangal habang lugmok sa panaginip Nangahas ang kaluluwang lumantad madarang, nahimok ng kung anong bagwis Ng tukso sa bulong ng iyong labi’t galaw, tuloy naligaw sa paglalakbay— Walang sindak mong binalangkas ang ordeng mapanganib at binungkal ang landas Namumukod sa madla, buntalang motor/dinamo ng bukang-liwayway-- Kahit sumabog ang pulbura sa mundong binagtas ng iyong budhi, wala kang takot Hawak ang sulo ng katarungan, sumusugod ka— Siklab ng huling paghuhukom, O armadong anghel— bumabangon sa iyong bisig at kamao ang m...