TUNGKOL SA PROBLEMATIK NG POTOGRAPIYA
KUHA, NAKUNAN, KUHILA: LARAWAN NG MGA BIKTIMA NG IMPERYALISMO (Ilang Huling Kuro-kuro Hinggil sa Problematik ng Potograpiya) --ni E. SAN JUAN, Jr. Ito ang pangwakas na obserbasyon ko hinggil sa gamit at bisa ng kamera. Tinalakay ng mga naunang artikulo ang luwag o kipot ng espasyong inilalaan ng bawat foto, ang posibleng subersibong artikulasyon nito lampas sa pormalistiko-estetikong pamantayan, ang dominasyon ng komodipikadong imahen at hulagway sa kapitalismong global na kinabibilangan natin, at kung ano ang dapat isakatuparan, hugot sa implikasyon ng aparatong ideolohikal na ito at mga institusyong nakaugat sa daloy ng kasaysayan. Sa madaling sabi, magkatambal ang usaping teoretikal (argumento sa diskurso) at praktikal (aktibong interpretasyon, kolektibong agenda). Paghuli sa Modernidad "Pagkakita, dagling paniwala." Buhat nang maibento ni Fox Talbot ang kamera...