Posts

Showing posts from August 21, 2016

BENIGNO RAMOS, "POETA REVOLUCIONARIO" -Komentaryo ni E. San Juan, Jr.

Image
BENIGNO P. RAMOS, “POETA REVOLUCIONARIO”: Ang Reponsibilidad ng Makata sa Gitna ng Krisis ng Ordeng Kolonyal ni E. SAN JUAN, Jr. Polytechnic University of the Philippines Ang ginawa namin ay aming pagmamanahan…Nagpasiya kaming maghimagsik, bumalikwas at buwagin ang pusod ng kapangyarihan. Sigaw namin: “Kami’y mga Sakdalista….Walang pagbabangong nabibigo. Bawat isa’y hakbang sa tumpak na direksyon.   —-Salud Algabre, isang lider ng rebelyon, 1935 Sino ka’mo?  Benigno Aquino?  Hindi po, Benigno P. Ramos, ang manunulat. Tuwing mababanggit ang pangalan ng makata sa usapang pampanitikan at talastasang pangkasaysayan, laging sumisingit ang bintang o paratang na siya’y naging traydor sa pagkampi sa puwersang Hapon noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Maselang paratang iyon. Mauungkat na naging kasangkot si Ramos sa KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Pilipinas), kung saan ang partidong GANAP na binuo niya ay bumangis sa kasukdulang yugto ng Ikal...