SAGRADONG LUPA NG IMPERYALISMO, PASISMONG RASISTA SA U.S.A.--ni E. San Juan, Jr.
LUPA, DUGO, PETISISMO NG KATAWAN AT MISTIPIKASYON NG DAH AS Katakataka o kamangha-mangha? Sa teknokratikong planeta natin, hindi lamang produktong itinitinda sa Mall o ipinagbibili ang naghahari kundi pribadong lugar/lupa/espasyo, depende sa lakas/dahas ng awtoridad ng Estado, militar, may-ari o managerial power elite ng Kapital Pampinansiyal (finance capital). Ito ang egemonya sa yugtong ito ng kasaysayan buhat nang maglaho ang alternatibong Sosyalista. Saan ba may mabisang oposisyon sa Kapitalismong Global--Cuba? Venezuela? Sub-Comandante Marcos? Kaya ang kinalalagyan ng katawan mo ay wala sa iyong pagpapasiya o kontrol, nasa Estado o pribadong yaman/kapital, kung saan pansamantalang nakahimpil ang katawan. Tungkol sa kaluluwa (?), samut-saring kuwento na iyon. Sa ganang awtor, ang alternatibo ni Spinoza, deus sive natura (o ang bersiyno nito sa TAO TE CHING) ay wala pa ring negasyon. Bagama't naiburol na raw ang bangkay ni Tamerlan Tsarnaev sa isang lihim na...