ERICSON ACOSTA, BILANGGONG PULITIKAL, MAKATA AT KOMPOSITOR
INTRODUKSIYON SA "PITONG SUNDANG: MGA TULA AT AWIT" NI ERICSON ACOSTA - -ni E. SAN JUAN, Jr. Malamang na di na kailangang ipakilala pa sa madla ang awtor ng librong ito, si Ericson Acosta (Ka Eric dito), ibinilanggong manunulat, kompositor, mang-aawit, peryodista, at aktibistang intelektuwal. Ngunit walang katiyakan sa buong mundo. Sa kaharian ng Kapital lukob ang neokolonyang Pilipinas na (sa turing ni Ka Eric) isang malaking "penal colony," lahat ng matatag (ang status quo) ay lumalambot, nalulusaw, nagsasabula. Walang permanenteng sitwasyon saanmang lugar. Nagbabago, nag-iiba ang lahat--katawan, kulungan, gawi, institusyon, ikaw, ako, tayong lahat. Gayon ang nangyari kamakailan. Sa tulong ng mga kampanya ng SELDA, KARAPATAN at mga organisasyong internasyonal, pansumandaling nakalaya si Ka Eric, mahigit 23 buwang nakapiit, upang maikonsulta ang kalusugan. Nagkaroon siya ng malubhang sak...