POLITIKANG SEKSUWAL SA PILIPINAS
PUKAWIN NG PUKPOK ANG PULOT-PUKYUTAN: POLITIKANG SEKSUWAL SA PANAHON NG TERORISMONG NEOLIBERAL -- ni E. San Juan, Jr. ANG Kung hindi man ito kalakaran, ang tumututol ay siyang nagtatampok ng problema, bagamat salungat sa namamaraling opinyon o doxang pangmadla. Sinomang bumanggit ng seks ay kasabwat na ng mga bastos at mahalay. Sabi-sabi ito. Batikusin mo, ikalat mo't palaganapin. Bakit mali ito? Ang usapang seksuwal ay di na masagwa o mahalay ngayon. Buhat noong maging sikat, bagamat kontrobersiyal, ang "Vagina Monologues" ni Eve Ensler, tila hindi na nakasisindak tumukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae. Ang estilong bugtong o talinghaga sa seks--gawaing pakikipagtalik--ay itinuturing na sintomas ng neurosis o maselang sakit ng budhi. Paano ang seks ng transgender, hybrid o cyborg? Ordinaryo na lamang ang seksuwal chitchat. Bakit hindi kung laganap na ang advertisement sa Viagra at iba pang drogang nagpapaudyok sa hindut...