BALINTUNAY
HINUHA’T MUNGKAHING BALINTUNAY Ni E. SAN JUAN, Jr . 1. Katulad ng propetang sumulat sa buhangin hinuhulaan ang gayuma ng babaeng lumagda ng kababalaghan 2. Sa sulong umaandap nagkristal ang uling sa tuminding kislap ng diyamante 3. Iminungkahi na ang tumpak na landas ay isang lubid na bahagyang nakaangat sa lupa upang tisurin ka imbes na gabayan at ugitan 4. Sa unang pagkanulo ang sakit dito’y hindi sumusuob sa luwalhating darating kaya di nalililiman ng ligayang taksil sa bawat sandali umula’t umaraw man 5. Maraming lugar na mapagsisilungan ngunit isa lamang ang pook ng katubusan bagamat maraming paraan ng pagtubos at pagkanlong 6. Pagkatapos ng unang pagtataksil nasulyapan natin sa entablado ang ngiti ng dalaga sa kanyang irog habang nagmunukalang inireserba ang isa para sa iyo Ay naku nuynuyin na lamang ang sisteng ito 7. Naglalaro pa lamang ang mga hayop sa bakuran ng mangang...