PAGSUBOK SA PAKIKIRAMAY
PAGSUBOK SA PAKIKIRAMAY SA BAWAT NILIKHA Sa unang bugso ng pagsuway namangha’t nagtaka Kahit biglang lumihis, bumangga pa rin May biktimang humiyaw ngunit walang saklolo Di akalaing magtatagpo ang daang magkaagapay Bagamat nagbabaka-sakali, naaksidente pa rin pagliko Di natin tahanan ang lungsod kaya tahan na Sa sindak nabunggo ang katunayang di sinasadya Kaya alisin mo na ang sutlang saplot sa ‘yong mukha Sa natuklasang daan humiwalay ang kaakbay Walang anghel ang magbubunyag ng kasalanang lihim Pagtawid batiin ang kaluluwang kapusta sa sugal Sa gitna ng lansangan totoo bang nagsinungaling ka? Nag-aabang pagliko ang kilabot ng mukha mo sa salamin Ngunit libog lamang ‘yon ng guniguning nakipagsapalaran. --E. SAN JUAN, Jr.