Posts

Showing posts from August 10, 2008

SA HARDIN NG VILLA SERBELLONI, BELLAGIO, ITALYA

Image
SA HARDIN NG VILLA SERBELLONI --E.SAN JUAN, Jr. Sandaling matining ang kristal na tubig sa lawa, kapagkuwa’y nagsising-sing at umaalimbukay Di mo pansin ang lagaslas ng hanging pumupukaw sa mga bulaklak ng tinataluntong landas pababa sa gumuhong kutang nakaumang sa ating pakikibaka Curva pericolosa Rimanere sul sentiero Sa gitna ng luho’t yamang naipon sa mga mariwasang palasyo nina Duke Serbelloni at iba pang mga “ibong mandaragit” Huwag ka raw lumihis lumiko lumukso-lukso, banyagang lumuluha kahit walang mata Sandaling matining, kapagkuwa’y umaalong maharot—nagbabago sa kisap-mata! Huwag lumipat o magbago, dayuhang lumalakad kahit walang paa—mapanganib daw Lawang tahimik, mahinahon, salaming matining ngunit sa muling paglingon umaalimbukay-- ngunit di mo alintana habang umaakyat ka upang maabot ang yelo’t ulap sa bagwis ng himpapawid Sa hardin ng rosas sa grotto nakaluklok ang ispiritu ng mga Romanong sundalo’t alipin ni Pliny, istory...