Posts

Showing posts from July 15, 2012

ALAY KAY MAITA GOMEZ, BAYANI NG MASANG FILIPINO

Image
ALAY  KAY  KASamang MAITA GOMEZ,   Armadong  Paraluman --E. SAN JUAN, Jr.   Mahal, Nagliliyab ang lansangan ng Islang Puting Bato nang ikaw’y   lumisan Sa iyong balintataw   nagtalik ang liwanag at dilim Nagtipan ang luha’t ngiti sa hanggahan ng pangako’t alaala Saang likong landas tayo naghiwalay, nakipagsapalaran? Pumalaot ka sa lagim ng lungsod, napigtal sa diwa’t nakintal sa dibdib Patnubay ang masang kumalinga, sabik sa paglaya’y naglakbay Bagwis sa budhi’y pumailanlang   sa madugong larangan Sa gilid ng bangin   naglamay, sa gubat ng gunita naghintay             sa tukso ng   mapagkandiling bituin…. Sa bawat pintig ng iyong kaluluwa, sa bawat himaymay Nagpupumiglas ang sinag ng kinabukasan— Luningning ng pag-asa, halimuyak at alindog ng panaginip          ng armadong diwatang   kusang    naghandog, kumalas, nagligtas— Mahal, Nilambungan ng usok at apoy ang gayuma ng iyong pilik-mata Humagip ang bagwis ng guniguning l