Posts

Showing posts from December 9, 2012

KAMERA--ILUSYON O KATOTOHANAN: Sining at Agham ng Potograpiya--E. SAN JUAN, Jr.

Image
NAKITA MO BA?  ILUSYON AT KATOTOHANAN NG KAMERA'T POTOGRAPIYA ni E. SAN JUAN, Jr. Direktor, Philippines Cultural Studies Center, Connecticut, USA Ngayong halos lahat ay gumagamit ng cellphone na may kamera,  lahat ay nasanay sa akalang pagkinunan mo ng foto ang tao, pangyayari o tanawin, nahuli mo na ang katotohanan.  Ang kamera ay hindi nagsisinungaling. Ito ang palasak na opinyon. Ang kamera ay mapapagkatiwalaang saksi o testigo sa anumang bagay. Tingnan dito sa Internet Website ang mga litrato ng boksing "Manny Pacquiao versus Juan Manuel Marquez ." Sa foto ng suntok ni Marquez, narehistro ang impak ng galaw sa mga mukha ng dalawang magkalabang boksingero.  Kakabit nito ang caption at balita tungkol sa imahen. Sino ang magsasabing mali o hindi totoo ang nangyari?  Hayan ang katibayan, ebidensiya.   Knockout si Manny, hatol ng institusyon.  Ayaw kang maniwala? Buhat nang maimbento ito noong siglo 1900, ang kamera ay naging mabisang instrumen...