Posts

Showing posts from July 28, 2013
Image
BALADA NI JONAS BURGOS,

NALIGAW SA " DAANG MATUWID"

ni E. SAN JUAN, Jr.



Mga Kasama: Habang papunta sa gawing Hacienda Luisita
Niyaya ni Major Harry Baliaga na magpalamig muna
Sa Ever Gotesco ng mapanuksong waytres
Niyakag upang kwentuhan ng
kung anong nangyari

Kina Sherley Cadapan at Karen Empeno
at mga saksi
At ang masuyong Binibining Melissa Roxas
Ngunit sabi ko'y nais kong hanapin, taluntunin
Ang matuwid na landas na makatarunga't marapat

Sundin iyon hanggang umabot sa Sabah
at Batanes
Kahit liku-liko at baku-bako, walang kailangan
Sumakay sa bangka at itanong sa bangkero
"Magmula sa laot sagad hanggang pampang

Turan mo sa akin ang hampas ng sagwan?"
Ngunit naligaw po kami sa pulong Tubbataha
Di na nakarating sa safe-house ng Ampatuan--
Pinilit tumawid sa
baluktot na " daang matuwid"  ' Patungong EDSA at madugong Mendiola
Kung saan 13 multo't sina Olalia-Alay-ay ang nag-aabang
Hayun kumakaway si Heneral Palparan
Mula sa Morong at Mindorong di na ma…