BERTOLT BRECHT: Salin at Halaw ng 2 tula
HAMON SA MGA HENERAL NG AFP (Halaw mula kay Bertolt Brecht) Heneral, ang inyong mga baril at tangke ay makapangyarihang gamit Winawasak ang gubat at dinudurog ang isandaang tao Tinortyur pati mga mediko at narses sa Morong, Rizal,kamakailan…. Ngunit ang mga ito’y may kakunlangan: Kailangan nito ang mga taong gumagamit at nagpapaandar nito…. Heneral, ang inyong eruplanong pamboba, pati mga drones ng Amerika, ay nakapangingilabot…. Lumilipad ng mas matulin sa bagyo at nailululan ang bombang mahigit pa sa bigat ng elepante, Ngunit ito’y may isang kahinaan: Kailangan nito ang mekaniko. Heneral at mga upisyal ng pulis, bale wala ang tao. Makalilipad siya at makapapatay. Ngunit may isa siyang depekto: Maaari siyang mag-isip. PAPURI SA DIYALEKTIKA ni Bertolt Brecht Sa kasalukuyan, mapagmalaking nagpaparada ang Inhustisya. Ipinaghahandaan nila ang ilanlibong taon ng kanilang pang-aapi. Dahas ay naggigiit: Kung anong lagay ngayon, mananatili 'yan. Walang tinig ang nangingibabaw kundi ang sa...