LARAWAN, IDENTIDAD, KASAYSAYAN: Tungo sa Pagsusuri ng Ideolohiya ng Komodipikasyon at Nahumaling na Karanasan ni E. SAN JUAN, Jr. Ang paksa ko rito ay tungkol sa kaugnayan ng fotograpo/imahen at bisang makatotohanan o epektong makatunay. Bagamat may sulyap sa arte o sining ng kamera, hindi ito ang pangunahing paksa rito. Kaunting pagtitimpi kung hindi ako sang-ayon sa inyong maling pag-aakala. Binatikos ako ng isang barumbadong miron dahil hindi raw mahusay ang snapshots na pinili ko. Hindi kahusayan o kagandahan ng kuha ang ginagalugad dito kundi ang relasyon ng gawang-kamera (camera work) sa pagpapaunlad at pagpapalalim ng ating kabatiran tungkol sa buhay ng tao, karanasan, lipunan, at kalikasan. Hindi lamang karunungan o interpretasyon, wika nga, ang kailangan kundi kung paano babaguhin ang mundo batay sa tumpak na kaalaman o siyentipikong pagtarok sa realidad. Tumpak na interpretasyon, wastong gawa. Sa kapitalistang lipunan, komoditi/bilihin ...
Posts
Showing posts from January 13, 2013