TRANSISYON
TRANSISYON: ANG UNA AY HULI..... Kahapon, sa "Last Will and Testament" ng yumaong awtor Benjamin Appel, nakasulat ang habiling "Huwag gumastos sa punerarya, sunugin ang labi at itapon sa gubat o dagat." Simple lang. Samantalang nagbabala na ang rehimeng Aquino ng CyberCrime Law Bukod sa nakasusukang krimeng hagupit sa bayan: 114 biktima ng Extrajudicial killings, 127 ng bigong pagpatay, 70 ng tortyur, at 12 ng sapilitang pagkawala (dokumentado ng KARAPATAN). Nakahalang ang mga kalansay at duguang bakas ng biktima sa tarangkahan ng Malakanyang. Wala pa akong nilagdaang "Huling Habilin" ngunit taas-kilay na ang pagmamatyag sa bumubulwak na putik sa angkla bago ilaglag ang layag.... Naudlot ang pangakong ipadadala ko ang protesta sa pagkapiit nina Alan Jazmine...