Posts

Showing posts from May 17, 2009

A HOMAGE TO CRISPIN BELTRAN, PROLETARIAN LEADER OF THE FILIPINO MASSES

Image
PAMANA NI KASAMANG CRISPIN BELTRAN, BAYANI NG ANAK-PAWIS ni E. San Juan, Jr. Kinabukasang ligtas sa barbarismo ng Kapital – Maari, Oo, pagkat ninanais, ninanasa, minimithi, pinapanaginip.... Sang-ayon kami, Ka Bel, kinakailangan ang binabagong daigdig Na sumasalubong sa iyong pagtawid sa kabilang ibayo: Mabuhay ka!

BUKAS, MAY-NILAD! -- tula ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
BUKAS, MAY-NILAD! ni E. SAN JUAN, Jr. “By the rivers of Babylon, there we sat down, yea, we wept when we remembered Zion….”--PSALM 137 - Mula kay Ka Alegria, pasalubong ang cancion ng sosyalistang pakikibaka sa Venezuela, kalugod-lugod na balitang ipinaabot mo bilang balik-bayan-- Bagamat sinagkaan hinarang, patuloy ang agos ng Revolucion Bolivariano sa lupang binusabos ng imperyalistang dayuhan unti-unting bumabangon…. Sana’y magtagumpay ang mga makatarungan Habang dito sa Babilonya kami’y nakadukwang sa ilog, naghihintay tumatangis sa paggunita ng lupang tinubuan—kailan tutubusin? Paano namin isasatinig ang awit ng Panginoon sa bayang ipinagtapunan? Paano magdudulot ng tuwa sa pangungulila nang tangayin ng estranghero? Panalangin nating magtagumpay ang mga makatarungan Nakaupo sa pampang ng ilog Babilonya, lumuluha tumataghoy tangay ng agos kimkim ang alaala ng naiwang tahanan… bumabalik sa panaginip ang lupang sinakop bansang nagkawatak-watak di mapahinaho...