Posts

Showing posts from May 29, 2016

ANDRES BONIFACIO, Buhay at Gawa--Isang Interpretasyon at Pagpapahalaga ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
LAGDA NI ANDRES BONIFACIO:  Paghamon sa tadhana, himagsikan, at pagtupad sa kapalaran ng sambayanang Pilipino ni E. SAN JUAN, Jr. Professorial Lecturer, Polytechnic University of the Philippines Sa balik-tanaw, ang “lagda” ni Bonifacio sa ating kasaysayan ay masisipat sa kanyang birtud sa pagbuo ng Katipunan at praktikang diwa sa maugnayang pag-aklas. Nabunyag ang kakulangan noon nang paslangin siya ng pangkat ni Aguinaldo. Sa gayon, naging bagong mithi ng makabayang bugso ang pagtatamo ng hegemonya/gahum. Hindi sapat sa paglikha ng soberenya at pagpapasyang makabayan ang batayan ng Katipunan: rasong unibersal at karapatang pangkalikasan. Sa huling pagtutuos, ayon kay Mabini, naitakda ng ekonomiyang pampolitika ng piyudal/komprador na kaayusan ang limitasyon ng ilustradong nasyonalismong mana kay Aguinaldo. Buhay pa rin ang halimbawa ni Bonifacio sa aktuwalidad ng ahensiya ng lahat ng inaapi at pinagsasamantalahan. Nagkaroon ng bagong sigla ito sa himagsik ng mga...