Posts

Showing posts from April 21, 2013

Rebyu ni R.C. ASA ng AFTER POSTCOLONIALISM ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
Lampas, Higit sa Postkolonyal R.C. Asa rebyu ng E. San Juan, Jr. After Postcolonialism. Remapping Philippines-United States Confrontations. Lanham, Maryland: Rowman & Littlefield Publishers, Inc., 2000. Against Counterrevolution in Theory. Ito marahil ang alternatibong pamagat ng After Postcolonialism, huli sa maraming libro ni E. San Juan, Jr., kilalang marxistang intelektwal. Binubuo ng walong sanaysay at isang panayam, interbensyon ang After Postcolonialism sa “teorya” – itong postmodernong larangan ng pagsasama at pagtatalaban ng iba’t ibang disiplina. Maraming paksa rito si San Juan: ang paglikas ng mga Asyano tungong Amerika, ang imperyalismong Estados Unidos sa bansa, mga teksto nina Jessica Hagedorn at Kidlat Tahimik, ang talinhaga hinggil sa lipunan ng panitikan sa bansa, at maging ang hinaharap ng pakikibaka para sa kalayaan, demokrasya, at sosyalismo sa Pilipinas. Makabuluhan kung gayon sa maraming disiplina ang librong ito. Sa bawat larangan, kinikilala at kinakalaban...