Posts

Showing posts from April 12, 2015

TRAHEDYA-KOMEDYA SA MAMASAPANO, Dulang algoritmo ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
BALINTUNANG KOMEDYA  SA MAMASAPANO: Dulang Algoritmong Potensiyal (Alinsunod sa paraan ng Ouvroir de Litterature Potentielle) ni E. SAN JUAN, Jr. TAGPO 1: Balisa si Presidente Obama at mga upisyal sa Pentagon, Washington DC..Baka bumagsak ang dolyar at ordeng kapital-pampinansiyal, pag-ulit ng 2008 krisis, kung hindi mahuhuli sina Zulkifli bin Hir at Abdul Basit Usman. Binabalaan na sila ng mga CEO ng Goldman Sachs, JP Morgan, IMF at World Bank na dapat kagyat lutasin ang ugat ng panganib sa Pilipinas. Tulala si Obama dahil sa dalawang bagay, na dapat piliin ninyo:     Walang mahanap na Pinay/Pinay na eskiroll na magkukumpisal kung     nasaan ang dalawang terorista (tingnan ang Tagpo 8)     Itinago ni Putin ang dalawang rebelde dahil sa panghihimasok ng U.S. sa     Ukraine (tingnan ang Tagpo 9) TAGPO 2: Nagsuplong kay P'Noy Aquino ang isang ahente ng Taliban sa Afghanistan kung saan nagtatago ang dalawang kontrabida....