Posts

Showing posts from December 2, 2012

ANYAYA UPANG HUWAG MAPANGANYAYA

Image
             ANYAYA UPANG HUWAG MAPANGANYAYA Tila birong nahulog sa sulok ng hardin Nagkandirit muna bago lumukso't lumipad ang anghel at naparam Di sigaw kundi bulong:                 Bakit narito ka? Sinong tumawag? Baka naman tagpo o yugto ito sa telenobelang pinakasasabikan Niyari ang nangyari: sumaksi ang walang patid na prusisyon ng sakit, hirap, Dusa pakataboy--                bahala na, bathalang buwisit  lintik  kamiyerdahan-- Paraluman ng guniguni, nasaan ka't di mo kami iligtas sa iskandalo ng buhay? Kumikirot ang sugat sa kuko, ramdam ito sa singit ng pangarap Ngunit balewala sa iyo, nakikipag-otso-otso ka sa likod na groto ng Birhen.... Ilang mansanas ba'ng dapat ubusin upang matakasan ang balisang panaginip? Mutya ng panganib, baliin ang buto ng pitso sa tamang kasukasuan Bago maibasura ang kalansay sa mandarayang sirko't laro ng mundong hibang... Sambitin ang mahikang kataga nang mabuksan ang pinto At mapawi ang walang maliw na hilahil, ligalig, gusot a