Posts

Showing posts from September 13, 2009

2 INTERBENSIYON SA USAPING PANGKULTURA

Image
DALAWANG INTERBENSIYON SA REBOLUSYONG PANGKULTURA: ni E. SAN JUAN, Jr. Philippine Forum, New York City I. MABUHAY KA, KA NIC ATIENZA! HAYO NA PATUNGO SA RENDEZ-VOUS NG MGA BAYANI NG LAHI [Di nabigkas na panimulang hirit ng pakikiramay sa pagdiriwang ng paglalakbay ni Ka Monico Atienza, sa Magnet CafĂ©, Quezon City, 28 Enero 2008, sa kooperasyon ng Kilometer 64 at sa imbitasyon ni Ka Alex Remollino at mga katulong sa okasyong iyon) Una muna’y pasasalamat sa mga kasamang responsable sa pambihirang pagkakataong ito, isang munting pagdiriwang sa buhay at gawa ni Ka Monico Atienza. Hindi ito gaya o gagad sa mga komedya tungkol sa “Pinagdaanang buhay ni Haring Ferdinand…” na sadyang ipinataw sa atin ng mga Kastilang mananakop upang sambahin ang mga aristokratang panginoon noong sinaunang panahon. Manapa, ito’y antitesis o kasalungat ng mga diskurso ng kabuktutan. Si Ka Nic ay isang komunista, tutol sa sistemang piyudal at burgis, tutol sa di mapaniil at mapang-alipin na orden. Makabayang...