U.S. INTERBENSIYON SA PILIPINAS & KRISIS SA MARAWI, MINDANAO
INTERBYU KAY Prof. E. SAN JUAN, Jr., Polytechnic University of the Philippines Hinggil sa Sitwasyon sa Mindanao & Buong Pilipinas JVA:May masasabi po ba kayo sa pagpapataw ng gobyernong Duterte ng batas-militar sa Mindanao bilang huling paraan ng paglutas sa kaguluhan sa rehiyon dahil sa engkwentro sa pagitan ng militar at ng Maute sa Lungsod ng Marawi sa Lanao del Sur? Makakatulong po ba iyon sa paglutas sa mga problema sa Mindanao? ESJ: Sa simula pa, ang saligang pananaw ni Pres. Duterte ay awtoritaryang pamumuno. Kahawig ito ng mga nagdaang estilo ng pangangasiwa. Gamitin ang dahas, AfP/PNP, upang mapanitili ang Estadong neokolonyal at ekonomyang mapagsamantala. Madalas niyang ulitin na ipapataw niya ang martial-law buhat nang ilunsad ang anti-drug war at iburol ang labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Bagamat mahigit 8-10,000 biktima na, patuloy pa rin ang masaker ng mga ordinaryong sibilyan. Ang batas-militar ay sintomas ng lupaypay n...