ROMANSANG BALBAL, KINAKAPOS TAPOS NAUBOS SA EPOKA NG GLOBALISASYON -- ni E. San Juan, Jr. Tapos.....Tapos.... Tapos, umpisa kang bumulong sa kalaguyong may mahiwagang kindat Tapos, sumimangot at nagsabing puro kasinungalinga't paglako ng asin Tapos, walang sinasanto'y sige hipo't kalabit tapos nagbilang ng bitwin Tapos, buhok mo'y gulong-gulo't basbas ng kamandag ng palasong itinudla Tapos, kumayod sa diga't sinugal ang pusta ng ningas-kugong amor propio Tapos, kilig ka sa mestisang bangos ilong matangos maryakaprang mataray Tapos, tinext mo kumakabang nangako hanggang pumuti ang uwak Tapos, ngumiti'y biglang luhod ka sa lupang tinatapaktapakan ng birhen sa pusali Tapos, naisaloob mong ipagmaktol ang hindi pagkibo ng diyosang walang paki Tapos, nagkita kayo't hiyang-hiya ka sa maong mong kupas at t-shirt na butas-butas Tapos, kutob mo'y alimango'y naging talangka't talaba'y naging alamang Tapos, bumabalatay ka't nagbabara ang ...
Posts
Showing posts from June 1, 2014