PAGPUPUGAY KAY MONICA ATIENZA
PAGPUPUGAY KAY KASAMANG MONICO ATIENZA Tuwing dalaw namin, naghuhuntahan tayo sa lagusan ng DiliMall-- Ngiti’t biro mo’y testimonyo, sa gitna ng terorismong umiiral, Sa masiglang pagsulong ng proletaryong masa sa bansa’t buong daigdig Buhat pa sa mahimalang pagkaigpaw sa tortyur sa Crame’t Bicutan…. Tunay ngang bawa’t sakit at sakuna’y katambal ng tuwa’t ligaya— Sumalubong ka sa ulan ng punglo, di alintana ang panganib sa bukana, Walang pangambang binagtas ang diyalektikong landas ng pakikibaka Walang pakundangan sa ahos at tukso ng imperyalismong humahadlang Nagmamadali sa pagtawid sa rumaragasang agos ng kasaysayan-- Malayo ka na, pulang manlalakbay, ngunit aantabayanan pa rin namin Habang libu-libong puso’y nagpupumipiglas sa Crame, Abu Ghraib, Guantanamo, Sa susunod nating pagtatagpo sa lagusan ng DiliMall, Ka Nick, Sasalubungin ka namin, tiwala na naghihintay sa dulo ng daang magubat Ang himala ng ngiti mong bumabati sa tagumpay ng rebolusyon.