Posts

Showing posts from October 7, 2012

TUNGKOL SA USAPIN NG WIKANG PAMBANSA PARA SA PILIPINAS--ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
INTERBENSIYON SA USAPIN NG PAMBANSANG WIKA (Panayam sa Ateneo University, March 12, 2008) ni E. San Juan, Jr. 1. Sa kasalukuyang matinding sigalot sa bansa, anumang talakayan hinggil sa wika ay tiyak na magbubunsod sa isang away o maingay na pagtatalo. Kahawig nito ang usapin ng kababaihan. Laging matinik ang isyu ng pambansang wika, isang sintomas ng pinaglikom na mga sakit ng body politic. Tila ito isang mitsang magpapasabog sa pinakabuod na mga kontradiksiyong bumubuo sa istruktura ng lipunang siyang nakatanghal na larangan ng digmaan ng mga uri at iba’t ibang sektor. 2. Lalong masahol siguro kung sabihin kong nasa panig ako ng mga nagsususog sa isang pambansang wikang tinaguriang “Filipino.” Tiyak na tututol ang mga Sebuano, Ilokano, Ilonggo, mga alagad ng Taglish, o Ingles, o Filipino-Ingles. Ngunit hindi ito maiiwasan, kaya tuloy na tayong makipagbuno sa usaping ito upang mailinaw ang linya ng paghahati’t paglilinaw, at sa gayo’y makarating sa antas ng pagtutuos. 3. Sa...

PAMANA NG MGA KASAMA--ni E. San Juan, Jr.

Image
PAMANA NG MGA KASAMANG NAUNA NANG TUMUGPA MULA  SA NAGKAKAISANG HANAY [Handog sa alaala nina  Romeo Capulong,  Roger Rosal, at Arman Albarillo] Sa dulo ng duguang bahag-hari, ano—sino ang naghihintay? Isang kunang bakante na, gayak ng kumanlong at kumalinga sa darating-- Gumapang na ang sanggol mula sa pusod ng inang ginahis ng agilang           mandaragit…. Sa dulo ng landas, saksi ang magkatipan sa kariktang pumaimbulog Kahiman nabuwal, bumangon na sa matris ang bayaning kikitil Sa uring mandaragit sa kabilang dulo ng bahag-hari, kahimanawari— Langit sa lupa’y magkatalik sa tagpuang kumanlong at humiwalay Kahit sandali lamang lumitaw  ang mga kulay na kusang naglaho Laging gayak makitunggali habang dumaramay, saksi sa pagsilang.                     --ni E. SAN JUAN, Jr.