Posts

Showing posts from November 25, 2012

ANG KABAYO SA TORINO

Image
PAGBABALIK   SA TORINO, ITALYA ni E. SAN JUAN, Jr. Isang tahimik na dapit-hapon iyon nang walang anu-ano’y latikuhin at hagupitin ng may-ari ang kabayong upahan— Ulanin siya’t arawin, walang imik kapwa ngunit sandaling huminto, biglang hinataw, pinalo’t walang humpay na hinagupit Nagkataong nasaksihan ito ni Friedrich Niezsche— nanuot sa laman ng pantas ang latay mula bumbunan hanggang talampakan dagling sumugod at niyakap ang pobreng hayop na nakalupasay, pagkwa’y nauntol  natigagal  dahan-dahang  bumalik sa ulilang silid ilang araw pagkaraan, wala pang ‘sang linggo, siya’y natuklasang baliw…. Limot na ang kabayo ni Bartolommeo Colleoni, ni Heneral Andrew Jackson; Hindi maisingkaw ang animal ni Don Quixote, isinugang Pegasus…. Sa lansangang maulap humahagos ang anino ng Imperador Alejandro biglang dumagsa sa ulo ng tropang sumusugod lulan ng dumadambang Bucephalus,                   ...