Posts

Showing posts from July 19, 2009

HARAYA MANDARAYA MAPAGPARAYA

Image
HARAYA MANDARAYA MAPAGPARAYA Bagamat nahihimbing ka sa kabilang silid (baka nagtutulug-tulugan lamang?) nagitla sa bira’t bigwas mula sa kung anong nabistay sa kamalayang naidlip habang napamalik-mata sa TV batbat ng balita tungkol sa giyera sa Iraq at Afghanistan hulagway na sinala ng budhi (masalimuot pa sa tunay na karanasan) hinalughog mula sa hukay ng utak hitik sa panaginip— Doon ba ibinurol ang mapait na alaala Bakit susunod sa teorya nina Freud at Lacan? Samantalang sa tuhod nagsalabid ang gayuma ng salamisim hinugot sa nabuking istratehiya ng sining-para-sa sining (palpak na hinuha) Akala mo ba’y tiwalag ka sa kilabot ng mga pangyayari Pinugutan ng ulo si Zoilo Francisco, taga-Gamay, Samar— huwag kang magtiwala sa guhit hanggang wala ka sa langit Anong hayup anong ahas ang gumapang mula sa puntod ng mithing nawaldas bumibigkis sa leeg, sa balakang (nakadipa ka sa kabilang silid walang muwang) napagulantang nang lumingon at pumihit, sumisilip ...