Posts

Showing posts from September 20, 2020

PANITIKAN: LUGAR & PANAHON--ANO ANG DAPAT GAWIN? --E. San Juan, Jr.

Image
  I. PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON Modernidad at Globalisasyon: Diyalektika ng Panahon at Lugar Ni E. SAN JUAN, Jr. Polytechnic University of the Philippines Nasaan tayo ngayon at kailan nangyayari ito? Tila kabalintunaan ang nangyayari ngayon. Pagnilayin natin ang mga mungkahing sumusunod. Singkahulugan ng modernidad ang katwiran at pagkamakatao, sagisag ng pagsulong ng kabihas- nan. Sa malas, batay sa krisis sa Ukraine, Syria, patuloy na digmaan sa Af- ghanistan, Mindanao, at hidwaan tungkol sa China Sea, umuurong na tayo mula sa modernidad tungo sa barbaridad, mula globalisasyon tungo sa kumprontasy- on ng mga makasariling bansang nagpipilit ng kanilang natatanging etnisidad na namumukod sa iba. Kabaligtaran nga sa perspektiba ng rasyonal at makataong antas ng sagad-modernong milenyo sa mundo. Ibungad natin ang problemang bumabagabag sa atin: Anong uri ng mod- ernidad ang taglay ng Pilipinas? Kaugnay nito, paano mapapalaya ang potensyal ng ordinaryong araw-araw na buhay ng b...