PAMANA NG MGA KASAMA--ni E. San Juan, Jr.


PAMANA NG MGA KASAMANG NAUNA NANG TUMUGPA MULA 

SA NAGKAKAISANG HANAY

[Handog sa alaala nina  Romeo Capulong,  Roger Rosal, at Arman Albarillo]


Sa dulo ng duguang bahag-hari, ano—sino ang naghihintay?

Isang kunang bakante na, gayak ng kumanlong at kumalinga sa darating--

Gumapang na ang sanggol mula sa pusod ng inang ginahis ng agilang  
   
    mandaragit….


Sa dulo ng landas, saksi ang magkatipan sa kariktang pumaimbulog

Kahiman nabuwal, bumangon na sa matris ang bayaning kikitil

Sa uring mandaragit sa kabilang dulo ng bahag-hari, kahimanawari—


Langit sa lupa’y magkatalik sa tagpuang kumanlong at humiwalay

Kahit sandali lamang lumitaw  ang mga kulay na kusang naglaho

Laging gayak makitunggali habang dumaramay, saksi sa pagsilang.



                    --ni E. SAN JUAN, Jr.

Comments

Popular posts from this blog

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

INTRODUKSIYON KAY EFREN ABUEG--E. San Juan, Jr.

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.