Posts

Showing posts from November 30, 2014

TEORYA NG REBOLUSYONG FILIPINO: Ang Halaga ni Andres Bonifacio--ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
BAKIT LAGING KAILANGAN ANG HALIMBAWA NI ANDRES BONIFACIO SA ATING PAKIKIBAKA: Ilang Mungkahi ni E. SAN JUAN, Jr.          Bagong panahon, bagong pag-aangkop ng sinaunang pananaw. Utang sa mabulas at masiglang pagsulong ng kilusang mapagpalaya mula noong dekada 1960 hanggang ngayon ang pagpupugay kay Andres Bonifacio bilang ulirang rebolusyonaryo ng sambayanan. Utang sa ilang publikong intelektuwal tulad nina Renato Constantino, Teodoro Agoncillo, Amado V. Hernandez, Jose Maria Sison, atbp., laluna kina Claro Recto, Lorenzo Tanada, at Jose Diokno na nagpasimuno sa pagtutol sa diktadurang U.S.-Marcos.     Sa kolektibong aksyon ng masa, naiahon ang nasyonalismong nailubog ng matinding Amerikanisasyon ng bansa. Naibangong muli ang dignidad ng Supremo sa pagkasadlak nito noong panahon ng Cold War at pamamayani ng komodipikadong neoliberalismo nitong huling bahagdan ng nakaraang siglo. Ngunit sa kasalukuyang yugto ng malalang krisis ng kapit...