BUKAS NA LIHAM TUNGKOL SA KRITIKA CIRCA 1972> Sagot kay Virgilio Almario
ANG KONTRADIKSYON NG PAKIKIBAKA AT NI VIRGILIO ALMARIO: ISANG BUKAS NA LIHAM 12 Setyembre 1972 Connecticut, USA Mahal na Kasamang Roger: Salamat sa kopya ng Dawn, Agosto 17. Ngayon ko lamang natanggap ito. Ang “panunuring pangmasa” ni Virgilio S. Almario, diumano’y tungkol sa 1 Mayo 1971 at iba pang tula, ay nais ko na sanang palampasin yamang ang madaramang animus at hangarin nito’y hindi lamang magpahayag ng mga kuru-kurong pampanitikan kundi manapa’y tahasang maghusga sa karakter ng awtor—sa kahapon, ngayon at kinabukasan ng karera ng isang indibidwal, di lamang katawan kundi pati ispiritu, at wari baga’y bumigkas ito ng “Huling Paghuhukom.” Nag-atubili ako’ng baka hindi magkasya kay Almario ang mga nasiping kumpisal ko (baka magdemanda pa ng penitensya sa Isla Balut) o kaya’y maging tampulan lamang ng personal na apolohiya ang sagot ko. Di napaunlakan ang unang udyok ng kalooban. Naisip kong maraming mabigat na p...