ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.
HANDOG KAY ANDRES BONIFACIO: KATWIRAN, KALAYAAN, KATUBUSAN ni E. SAN JUAN, Jr. Katakutan ang kasaysayan sapagkat walang lihim ang maitatago sa kanya. --GREGORIA DE JESUS Ugali na kapag pinag-uusapan ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, ang "Supremo," nauuwi sa trahedya ng Tejeros/Naik/Maragondon. Hindi trahedya kundi ironya o kabalighuan: ang pasimunong nagtatag ng Katipunan ang pinaratangang taksil sa rebolusyon at pinaslang noong Mayo 10, 1897. Ngunit kung hindi nangyari iyon, ang katunayan ng uring ilustrado at ng tusong pagkakanulo't paglililo (mga katagang malason sa diwa ni Balagtas) nila sa rebolusyon ay hindi umabot sa kaganapan. Subalit ang nakagawiang pagdakila sa bayani ay hindi garantiya na hindi mauulit ang pagdaraya ng mga mapagsamantalang uri. Masdan na lang ang pagbibigay muli ng ...