Posts

Showing posts from November 14, 2010

DALAWANG BAGONG TULA ni E. San Juan, Jr.

Image
KAHIMANAWARI Laging tiklop-tuhod noon, hayup na nagdarasal Sa bawat bigwas at bawat hagupit, bumubulong-bulong Tigil na, Inday, abutin mo ang brasong it! Hanggang kailan balewala—hanggang di pa tumatalab? Sa palengke lahat ay nabibili’t ipinagbibili— Di lang talampakan ng katawan kundi pati singit ng kaluluwa…. Dura ng galit ang sukli, ngipin sa ngipin Habang nakaduro ang alambreng dekoryente sa suso mo— Tumalab na ba ang talim ng poot at pagkamuhi? Abutin mo, Inday, ang armas na ito! Nakalatay sa laman ang basbas ng pulbura’t tingga… Bakit pa luluhod at gagapang sa nagpawalang-halaga? Nakasalang sa sumusugbang bunganga ng baril— Sunggaban mo, Inday, ang sandata ng masang nakaalay! NABURANG GUHIT NG LARAWANG-DIWA, SIMULAKRANG ABOT-TANAW Kawiiliwili ang silid na ito, hantungan ng iyong paglalakbay. Halina’t maupo dito sa harap ng punong pino sa may durungawan. Di nasaling ng nagmamadaling takbo ng daigdig ang pusong namamahinga. Halika’t magnilay tayo sa panahong dumadaloy, magmuni-mun...