ANALEKTA ni E. San Juan, Jr.
ANALEKTA: PAKIKIPAGTALIK NG TEORYA & PRAKTIKA ni E. SAN JUAN, Jr. A. Hindi lahat ng batid o wani kailangang ipagsulit--- Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng balde-baldeng luha-- Sala sa lamig, sala sa init, sa pagmumura nagkasala'y nahuhuli-- Anak na di paluhain, ina't asawa ang patatangisin-- Dagat binubuo ng patak ng tubig, bundok ng buto't bungong maliliit-- Biyayang apoy at habagat, batuta man ay pinalalambot-- Batong-buhay ka man na sakdal tigas, unti-unting patak ng dura tuloy maaagnas-- Malaki man at buhanghang, daig ang munting aring siksikan-- Maliit man daw ang sili may anghang na angking sarili-- Munti ma't matindi, daig ang nagmamalaki-- Mababaw man ang sugat, malalim ang ugat ng gurlis at pilat-- Kung minsan ang awa ay nagiging iwa, pasaling ma'y humihiwa-- Sugat na inilihim at tinakpan, gumaling ma'y balantukan-- Nasa tuldik ang awa, nasa lumagda ang gawa, siya nawa-- B, Iba na ang isang hawak sa palad kaysa sandamakmak na lumilipad--...