LIMOS SA PRAHA, CZECH REPUBLIKA---tula ni E. San Juan, Jr.
KAWANGGAWA SA TULAY NI IMPERADOR CARLOS IV SA PRAHA, CZECH REPUBLIKA ni E. San Juan, Jr. Balak naming maglakabay patungong Leitmeritz upang dalawin ang dating tahanan ni Ferdinand Blumentritt sa Bohemia, dating bahagi ng Imperyong Austro-Ungaria noong dantaong 1800 ngunit napadako sa tulay kung saan umakyat-pumanaog sina Jose Rizal at Dr. Maximo Viola noong 1887 patungong Vienna kung saan ang bayani ay nakayapos ng kalapating mababa ang lipad.... Akala ko'y nadapa lamang sa mabatong kalye ang nalilimahid -----nakatalukbong nakalawit ang mga palad nakasubsob ang mukha Nabuwal sa gitna ng madlang nagliliwaliw walang pakialam-- Patuloy ang buhos ng turistang nanonood, bumibili, kumakain, tumatae, nabighani sa luho ng kapitalismong sumakop sa dating "komunistang" bansa... Nakadipang katawang alay sa kung anong...