BAGONG LIBRO NG MGA TULA ni E.SAN JUAN, Jr. --ULIKBA
UST PUBLISHING HOUSE RELEASES E. SAN JUAN'S NEWEST COLLECTION OF POEMS, ULIKBA BAGONG LIMBAG NA LIBRO NI E. SAN JUAN, Jr., ULIKBA AT IBA PANG TULA, LATHALA NG U.S.T. PUBLISHING HOUSE Inilunsad nitong Hunyo ang librong ULIKBA at iba pang tula, kalipunan ng mga bagong tula ni E. SAN JUAN, Jr., kilalang kritiko at intelektwal sa larangang internasyonal. Sanhi sa lubog sa kolonyalismong delubyo ang arkipelago, wala sigurong may interes sa pangyayaring ito sa harap ng pagkahumaling sa komodipikadong TV, pelikula, komersiyo, party ng mga selebriti at politiko, at kriminal na aktibidad sa goberyno, pulis, militar, atbp. Si San Juan ay dating propesor sa English & Comparative Literature, Unibersidad ng Pilipinas; kasalukuyang emeritus propesor sa English, Comparative Literature & Ethnic Studies, Washington State University at University of Connecticut. Dating fellow ng W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University, siya ngayon ay fellow ng Harry Ra...