Posts

Showing posts from August 26, 2018
Image
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpuan sa pagtutugma ng katuwiran at karanasan, ang kabutihan ay matatamo sa pagtutugma ng teorya at praktika. --APOLINARIO MABINI, La Revolucion Filipina ni E. SAN JUAN, Jr. Bakit naging problema ang modernidad ng Pilipinas? Kasi 12 milyong OFWs ang kumalat sa buong mundo? Di tulad ng maunlad na bansa sa Europa, Hapon, atbp? Nangangahulugang di pa tayo umabot sa modernidad ng mga industriyalisadong bansang siyang modelong halimbawa ng modernidad? Kaya nga naging laboratoryo tayo ng mga dalubhasa sa programang modernization tatak U.S. noong dekada 1960 batay sa paradigm nina Talcott Parsons, W.W. Rostow, atbp. Ayon sa teoryang modernisasyon, walang “structural differentiation” sa lipunan natin. Teknolohiya ang humuhubog sa halagahan (values), ang iskema ng paniniwala, saloobin, diwa ng karamihan. Ang tipong pampersonal ay naisillid sa de-kahong...
Image
PAGBUBULAY-BULAY NG INTELEKTWAL NA SAMPAY-BAKOD Nang ika-10 gulang, nagnais akong matuto’t maging marunong Nang ika-15 gulang, nabatid kong tama ang gurong Mang Andoy Nang ika-21 gulang, natiyak ko na ang daan Nang ika-30 gulang, nasulyapan ko na ang guhit-tagpuang abot-tanaw Nang ika-36 gulang, nabilibid ako sa kasong pakikiapid (natiklo, ay malas!) Nang ika-40 gulang, nagpasiya akong pwede nang makipag-sapalarang mag-isa Nang ika-50 gulang, bayad na ako sa mga utang at butaw Handa na akong umakyat sa bundok— Napaglirip sa panahon ng paglalakbay hanggang dito, palipat-lipat ang diwa 
Sa pagitan ng ibong makulay ang bagwis nakatuon sa panaginip at pantasiya At isdang nagtatampisaw sa putik, matimtimang dumaranas ng udyok at simbuyo ng damdamin…. Hinahangad ko mula ngayon, sa kabila ng gulo’t panganib ng kapaligiran, Sundin ang dragon ng isip, matimyas na pagnanais makahulagpos Upang sa gayon makaigpaw sa bangin at makatawid ...