Introduksiyon sa SIBOL SA MGA GUHO, nobela ni AVE PEREZ JACOB
INTRODUKSIYON sa SIBOL SA MGA GUHO ni Ave Perez Jacob ni E. SAN JUAN, Jr. Sa umpisa pa lamang. maituturing ang nobelang ito na pamibihira at namumukod na akdang may layuning makatotohanan at mapagpalaya. Walang pasubaling tunay ang mga pangyayari inilarawan sa naratibo, ngunit mapapakawalan ba tayo ng realistikong estilo mula sa piitan ng mapagsamantalang lipunan? Sapat na ba ang masaksihan muli ng ating pandama ang nakaririmarim na tanawing ikinukubli ng komersiyalisadong midya, ng mga pinagtutubuang telenobela, pelikula, sining biswal sa bawat megamall? Ano ang ginawa ni Perseus sa harap ni Medusa? O ang Espinghe/Sphinx nang masagot ang kanyang bugtong? Gunitain natin ang aral na hinugot sa tradisyon: “Ang katotohanan ay magpapalaya sa iyo!” Sa arkibo ng mapanuring pamantayan, ang di-matatakasang kontradiksiyon ng realidad at kamalayan, katalagahan at imahinasyon, ay litaw at lubhang bumabagab pa rin. Ang usaping ito ang siya pa ring pinakatampok na paksa ng debate, isang temang ...