JURAMENTADO--tula ni E. SAN JUAN, Jr.
JURAMENTADO? HURAMENTADO! RESUREKSIYON? HURA! HURA! ni E. SAN JUAN, Jr. Sabi ng mga magulang natin, takbo pag nakakita ng Moro--juramentado iyon! Hadji Kamlon--takbo! Jabidah--takbo! Dumarating sina Nur Misuari & Hashim Salamat--Hura? Huramentado? Tapos si Marcos, tapos si Cory Aquino, dumating ang Al-Qaeda O sige, bumaba sa Bud Dajo at Bud "Weiser" ang Abu Sayyaf-- Abdurarajak Janjalani--Khadaffy Janjalani--takbo! Baka Taliban, takbo! Pirata sa Palawan, takbo! Dumating ang US Special Forcs & drone, todas na ang Abu Sayyaf-- Napatay ng AFP si Zulfik bin Abdulhim alyas Marwan Pero nabuhay raw muli--takbo na naman! Saksi ang midya, walang duda, ibinigay sa AFP ang 1.5 milyong dolyar-- Iusod ang siwang ng sepulkro sa Camp Abubakar, nabuhay raw muli! Resureksiyon! Takbo muli! Aswang ng Abu Sayyaf? Kulam ni Osama bin laden? Jihad ni Ampatuan? Hura! Hura! Huramentado! Nagtampisaw si Marwan sa lagusang masikip sa gubat ni Florante't Aladin Nanlilimahid a...