Posts

Showing posts from 2009

PROBLEMA NG MAKATA SA PANAHON NG TERRORISMO

Image
PROBLEMA NG MAKATA SA PANAHON NG TERORISMO ni E. San Juan, Jr. Nangungulila Tila luho’t karangyaan Habang patuloy ang kabuktutan kasamaan Terorismo ng Estadong neokolonyal Dahas ng militar at pulis Patuloy ang pandurukot pagpaslang Ilan libong biktima ng Oplan Bantay Laya—di na mabilang Kamakailan, 57 biktima ng masaker sa Maguindanao Pinagbabaril ang mga mukha’t katawan Nilapastangan pa ang maselang bahagi ng mga babaeng pinatay Wala na bang hiya Wala na bang dignidad ang Pilipino? Karumal-dumal Kahindik-hindik Pagkatapos ng Auschwitz Buchenwald Intramuros Barbaridad ng mga pasistang Aleman at Hapon Sampu ng mga namatay sa Hiroshima at Nagasaki Payo ni Theodore Adorno, pantas sa sining at pilosopiya, Wala na’ng kabuluhan ang sining at tula— Ang tutula pa, talagang tulala! Ngunit lahat ba’y sakop na ng pulitika ng oportunismo’t dahas ng Estado? Ng gahasa’t pangungulimbat? Kasama, pwede ba’ng lumihis sa linyadong programa? Pwede ba’ng ipakawalan ang isan...

Pangalawang Pagsubok: "Instant Eros"--E.San Juan, Jr.

Image
KAYA PINALAYAS SA HARDIN: Sinamantalang Ulayaw Habang pinakikiramdaman ang ngiti sa matang pumilantik Hinagka’t sumimsim Saglit lamang Luwalhating kay tamis sumisirit Saglit lang Nanuot sa bawat himaymay lubos labis Saglit lang Nangalisag sa bangis ng kalmot at kagat Saglit lamang Sagad-sagad sumisidhing labis lubos Saglit lang Umabot sa kasukdulang putok ng nasa sa laman Lumbay ng paalam sa pagkaalam Minsan lamang ang salagimsim Kaluluwa’y nagkabuhol-buhol sa braso’t binti Sa lalamunan anong hapdi’t pait Kusang-loob na pagtatalik mula sa paraisong Bagamat walang kamataya’y tinalikdan Saglit lamang Ay naku, muling hagkan Apoy ng halik walang taros walang awa kung saan-saan Walang katapusan

KAYA PINALAYAS SA HARDIN: "INSTANT EROS"

Image
KAYA PINALAYAS SA HARDIN: Sandaling Ulayaw Hinagka’t sumimsim Saglit lamang Luwalhating kay tamis Saglit lang Nanuot sa bawat himaymay lubos labis Saglit lang Nangalisag sa kalmot at kagat Saglit lamang Sagad-sagad sumisidhing labis lubos Saglit lang Umabot sa kasukdulang putok ng nasa sa laman Lumbay ng paalam sa pagkaalam Minsan lamang Kaluluwa’y nagkabuhol-buhol sa braso’t binti Sa lalamunan anong hapdi Saglit na pagtatalik mula sa paraisong Bagamat walang kamataya’y tinalikdan Saglit lamang Ay naku, muling hagkan Apoy ng halik kung saan-saan Walang katapusan --E. San Juan, Jr.

2 INTERBENSIYON SA USAPING PANGKULTURA

Image
DALAWANG INTERBENSIYON SA REBOLUSYONG PANGKULTURA: ni E. SAN JUAN, Jr. Philippine Forum, New York City I. MABUHAY KA, KA NIC ATIENZA! HAYO NA PATUNGO SA RENDEZ-VOUS NG MGA BAYANI NG LAHI [Di nabigkas na panimulang hirit ng pakikiramay sa pagdiriwang ng paglalakbay ni Ka Monico Atienza, sa Magnet Café, Quezon City, 28 Enero 2008, sa kooperasyon ng Kilometer 64 at sa imbitasyon ni Ka Alex Remollino at mga katulong sa okasyong iyon) Una muna’y pasasalamat sa mga kasamang responsable sa pambihirang pagkakataong ito, isang munting pagdiriwang sa buhay at gawa ni Ka Monico Atienza. Hindi ito gaya o gagad sa mga komedya tungkol sa “Pinagdaanang buhay ni Haring Ferdinand…” na sadyang ipinataw sa atin ng mga Kastilang mananakop upang sambahin ang mga aristokratang panginoon noong sinaunang panahon. Manapa, ito’y antitesis o kasalungat ng mga diskurso ng kabuktutan. Si Ka Nic ay isang komunista, tutol sa sistemang piyudal at burgis, tutol sa di mapaniil at mapang-alipin na orden. Makabayang...

LUPA TUBIG HANGIN APOY

Image
LUPA TUBIG HANGIN APOY: Metamorposis at Balat-kayo sa Daigdig ng Pakikipagsapalaran ni E. SAN JUAN, Jr. 1. LUPA Nagulat namangha nang bumangga ang balikat natin—aksidente o itinadhana?-- sa pagsalikop ng Blumentritt at Misericordia, pook ng aking kasibulan at paniningalang-pugad, di sinasadya. Naligaw ng landas pauwi. Kundanga’y namulat sa ilang, iniilag-ilagan. Sa guhit- tagpuan, nagkabungguan. Kaibigan, ito’y himutok ng kapus-palad. Nakapangangalisag--nasa loob pa ba ako ng utak ng kung anong bathala, binabalak pa, kung sakali. Gayunpaman, dapat magpasiya. Di bale, nawala sa gitna ng paglalakbay. Nasaan ang lagda, palatandaan habang inaabangan ang kagampan? Buhay ko’y dapat isauli, tanggap ko. Dapat sundin, talimahin: muhon dito, bakod doon. Ngayon, pagkaraan. Sapagkat gumanap na, aanhin pa ang bukang-liwayway? Ipagbilinan: subaybayan. Ipinagmumuni: tigil na muna. Pag-aralan ang dahilig na tarundon, baluktot na pilapil pasikut-sikot sa laberinto ng ala...

HARAYA MANDARAYA MAPAGPARAYA

Image
HARAYA MANDARAYA MAPAGPARAYA Bagamat nahihimbing ka sa kabilang silid (baka nagtutulug-tulugan lamang?) nagitla sa bira’t bigwas mula sa kung anong nabistay sa kamalayang naidlip habang napamalik-mata sa TV batbat ng balita tungkol sa giyera sa Iraq at Afghanistan hulagway na sinala ng budhi (masalimuot pa sa tunay na karanasan) hinalughog mula sa hukay ng utak hitik sa panaginip— Doon ba ibinurol ang mapait na alaala Bakit susunod sa teorya nina Freud at Lacan? Samantalang sa tuhod nagsalabid ang gayuma ng salamisim hinugot sa nabuking istratehiya ng sining-para-sa sining (palpak na hinuha) Akala mo ba’y tiwalag ka sa kilabot ng mga pangyayari Pinugutan ng ulo si Zoilo Francisco, taga-Gamay, Samar— huwag kang magtiwala sa guhit hanggang wala ka sa langit Anong hayup anong ahas ang gumapang mula sa puntod ng mithing nawaldas bumibigkis sa leeg, sa balakang (nakadipa ka sa kabilang silid walang muwang) napagulantang nang lumingon at pumihit, sumisilip ...

US IMPERIALISM AND REVOLUTION IN THE PHILIPPINES-by E. SAN JUAN, Jr., published by Palgrave Macmillan

Image
U.S. Imperialism and Revolution in the Philippines By E. San Juan, Jr. After Afghanistan, the Philippines has become the second battlefront in the "global war on terrorism." U.S. troops have intervened to fight the Abu Sayyaf, a CIA creation, as well as the Communist-led New People's Army. This is a challenge to all Americans: will they allow U.S. imperial domination to continue? This book is a critical analysis of the social and political crisis of the Philippines under the brutal Arroyo regime. What are the stakes? Peace, social justice for 87million Filipinos and 10 million Moros, democracy, genuine independence, and the struggle for selfdetermination. [272 pp. / 1-4039-8376-3 / $69.95 cl.] "San Juan is one of the sharpest and most clarifying voices vis-à-vis Filipino/U.S. and Filipino/world relationships extant. He is an internationalist and political analyst of high morale. It’s about time his incisive theoretical summations are given broader access to strength...

JOSE RIZAL: ISANG PARANGAL

Image
J OSE RIZAL: PANGHIHIMASOK NG IMAHINASYONG PANGKASAYAYAN ni E. SAN JUAN, Jr. Palasak nang ituring sa kasalukuyan na ang paksang inihudyat ng pamagat ko sa lekturang ito'y gamit na gamit na, ibig sabihi'y nakasusuya kundi nakaaantok. Ako man ay sawa na sa mga panayam at talumpating nag-uumapaaw sa clicheng pumupuri sa kabayanihan ng "First Filipino" (bansag ni Leon Ma. Guerrero), mga gasgas na halimbawa at de-kahong pagtataguyod ng kumbensyonal na sukat ng kahalagahan ayon sa pamantayan ng dominanteng uri sa lipunan. Lihis sa nakaugaliang pagtatanghal sa kulto ni Rizal, sa panimula'y nais kong isusog ang ilang panukalang makasisilbing mapanghamong pambungad sa ilang repleksiyon ko tungkol sa tatlong sanaysay ni Rizal: "Liham sa Mga Kakabaihan sa Malolos" (1889), "Sobre la Indolencia de los Filipinos" (1890), at "Filipinas, dentro de Cien Anos" (1890). Sa pagtaya ko, tatlo ang mahalagang naisakatuparan ni Rizal sa kanyang ...