BANGON! MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT!



BAGUHIN MO ANG IYONG BUHAY!


Bago magpantay ang paa
lumikas ka mula sa lugar ng engkuwentrong
pinaghaluan ng balat at tinalupan
Walang tanglaw sa pakikipagtipan
ayaw tumawad sa sugal ng maskarang mapagpanggap

Kinalawang na ang puso
nilagok ang apdong hinugot sa kung saang tadyang

Gumulong ang tadhanang palabiro, humihimok
Kawing-kawing ang himutok
Mula sa kumuno’y pabulaos—

Busabos ng palad, bakit mo tinitiis? Kailangan, kailangan ang paghuhunos

Namamalahibo, isingkaw mo ang nakaumang na pangil, isingkaw

At huwag sumuko sa kabuktutan

Walang tiyak na katubusan kaya itakwil ang larong mapanlinlang
ng mandarayang kaulayaw

Masahol pa sa lambutsingan ng hayop at malansang isda

Iligtas mo ang puso sa tukso ng Aprodayteng iniluwa ng dagat-bula—

Ano’t maghuhunos-dili o mag-aatubili?

Baguhin mo ang iyong buhay!


--ni E. SAN JUAN, Jr.

Comments

Popular posts from this blog

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

INTRODUKSIYON KAY EFREN ABUEG--E. San Juan, Jr.

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.