Wednesday, August 15, 2007

PAHIWATIG








PAHIWATIG




Bumungad ka
umigting
panginoon ko Oo nais ko
gusto ko Inay ko!
gigil sumisidhi nilalanghap
sinisipsip sa kirot sa hapdi


Gayumang walang ligtas
Gayumang walang patawad
kahit na mapariwara
kahit na magkasira-sira
Oo unti-unti mong kitilin ang buhay ko
Oo nais ko gusto ko







higpitan higpitan pa kahit anong hapdi
rumaragasang hininga nagpupumiglas
nais ibulalas
sumasagitsit
Ay, naku! lumalagos walang awa

---- bumugso bumigay—

…. nakagulapay walang lingon walang sisi
ibulong mo sa akin sa umaga

totoong walang ligtas pinagtalik tiyak na walang patawad

biyaya mong inialay
tadhana’t kapalaran
O mahal
langit sa lupa Ikaw ang tanging kaluwalhatian

No comments: