ULIKBA & AT IBA PANG TULA
- Get link
- X
- Other Apps
ULIKBA AT IBA PANG BAGONG TULA
ni E. SAN JUAN, Jr.
MGA NILALAMAN
PAUNANG SALITA
1 Parabula ng Pakikibaka
2 Bukas, May-Nilad!
3 Baguhin Mo ang Iyong Buhay
4 Montage: Tatlong Kuha ng Baguio City
5 Biyernes ng Hapon Sa Oktubre
6 Punta Spartivento
7 Uyaying Naghahanap ng Makabagong Kantor
8 Balikbayang Sinta
9 Itaga Sa sa Bato
10 Problema na ng Makata sa Panahon ng Terorismo
11 Simulakrang Abot Abot-Tanaw
12 Sa Hardin ng Villa Serbelloni, Bellagio, Italya
13 Ipaubaya sa Ulikba
14 Hintay, Sandali Lamang, Birheng Walang Awa
15 Harana sa Isang Kasama, Hinahamon ang Tadhana
16 Biyaya ng Tagapagligtas
17 Sandaling Pahinga’t Pagninilay Pagkatapos ng Pakikipagtalik
18 Pahiwatig ng Armadong Paraluman
19 Mitsa ng Parikalang Umuklos sa Bituka
20 Pagbaybay sa Transisyonal na Landas ng Pagbabago
21 Naligaw na Dahong Lagas
22 Umbay Patungong Tagumpay
23 Dalit Sa sa Pagdiriwang Bago Sumapit ang Huling Pagtutuos
24 Tag-Ssibol sa Nederland
25 Pumapagaspas ang Patalastas
26 Bago Tumirik, Umirap Muna at Biruin ang Tadhana
27 Sutrang Kayumanggi
28 Lunggati: Palaisipan sa Ilalim ng Layag
29 Kung Sakaling Hindi Na na Tayo Magkitang Muli
30 Kahimanawari
31 Pasalubong sa Babaylan, Mula sa Balangiga, Samar
32 Singaw ng mga Nilangong Hulagway
33 Pakiramdaman
34 Kailangan Lamang, Idugtong at Pagkabitin
35 Engkuwentro sa Pinagtapunan ng Bayani
36 Lindol sa Iloilo, Visayas (6 Pebrero 2012)
37 Liwaliw sa Ilog ng Loboc, Bohol
38 Pagninilay sa Hardin ng Bahay ni Isis, Quezon City
39 Pagsukat sa Trayektorya ng Panagimpan
35 40 Mahal, Magpakailanman
TUNGKOL SA AWTOR
PAUNANG SALITA
Sa ating minanang daigdig, bawat gawa o likha ay kolaborasyon ng samot-saring tauhan, lakas, at daloy ng kalikasan at kasaysayan. Ang interaksiyon ng mga ito ay diyalektikal. Bagama’t inihagis tayo ng tadhana na walang tiyak na dahilan, nasa atin ang pagyari ng tugon sa "Bakit?" Sa gayon, pangahasan nating baguhin ang kahapon, hubugin ang kinabukasang higit na malaya't makatarungan para sa lahat. Isang hamon ito, hindi tukso. Makapagpapasiya tayo. Hindi lamang pag-iingat o pagsasaalang-alang, ayon kay Kierkegaard, kundi damayan o pakikipagkapwa-tao, mungkahi ng mga pilosopong sina Epicurus at Zeno; at mula kay Spinoza at Lao-tzu, ligaya at tuwa sa bawat sandali ng buhay sa lupa, sa pakikipagtunggali at pagtutulungan.
Kasangkot dito sa masalimuot na pakikipagsapalaran ang ilang mga kasama't kadaupang-palad. Salamat sa tulong nina Delia Aguilar, Sarah Raymundo, Lulu Torres Reyes, Joseph Lim, Roger at Fe Mangahas, Judy Taguiwalo, Esther Pacheco, Karina Bolasco, R.C. Asa, Delfin Tolentino Jr., Charlie Veric, Tomas Talledo, Bobby Tuazon, Roland Tolentino, Danny Arao, Reynaldo Bautista, at Luis Gorgonio. Sa kanila ang birtud at galing ng naisakatuparan, sa akin ang limitasyon at kakulangan. Nais kong kilalanin dito ang kagandahang-loob at talino ni Propesor Cristina Pantoja-Hidalgo, dating direktor ng UST Publishing House, sa karangalang paglalathala ng librong ito.
Sa mga patnugot ng mga publikasyon na unang naglabas ng ilang mga tula rito, kabilang na ang Ani, Liwayway, San Ag (University of San Agustin), Sun-Star (Baguio), GMA Online, at iba pa, taos-pusong pasasalamat. Sa lahat, biyaya ng mga bathalang namamatnubay––mabuhay at isulong ang pakikibaka!
--E. SAN JUAN, Jr.
Storrs, Connecticut, USA/Diliman, Quezon City, Philippine
PARABULA NG PAKIKIBAKA
Sa buntot ng barikada nagtago tayo't tayo’t kumalas...
Maalikabok sa lansangang tinahak at tinalunton—
(Sariwa pa ang gunita ko hanggang ngayon)
Sino'ng Sino’ng humahabol sa atin?
Nakadikit ang kaluluwa't kaluluwa’t laman, kinulapulan ng pulbura
pawis at usok ng Molotov molotov cocktail dura tear gas...
Walang tubig sa bato walang awa ang isinumpang lugar
na ito---walang pakialam o panghihimasok...
Ahas na gumagapang sa bitak...
May bukal kaya sa singit ng mga bato?
Lagaslas ng bukal huni ng ibon sa sangang nakalupaypay
Sino'ng Sino’ng sumusunod sa atin? Dinig mo ba ang yabag?
Nagtatakbo tayo palayo sa panganib, palayo sa kilabot
Umurong sa madlang humugos sa Plaza, umatras
ngunit lumingon sa magkabila, nag-alanganin...
Di ba ikaw at ako lamang ang tumakas, walang iba pa,
ngunit sino 'yang ‘yang humahangos sa tabi mo?
Anong hayup hayop ang gumagapang sa bitak?
Hindi patak ng ulan o kaluskos ng bayawak sa muhon
Hindi lagaslas ng batis o awit ng talahib na sinusuklay ng
mabiyayang daliri ng hangin...
Tumiwalag tayo sa hanay ng barikada, akala nati'ynati’y
walang susubaybay hahagilap tutugis
Dito'y walang tinig ng pagsaklolo kundi taghoy ng kuliglig
Walang daing o iyak o panangis
Walang tubig sa biyak ng pader o batis sa nakabukang burol
Nang tumingala ako'y ako’y nasulyapan ko ang dulo ng landas...
Sa tabi ng muhon naghihintay ang aninong may putikang
pandong--
Anong hayup hayop ang lumukso sa bitak?
Nabulabog ang mga uwak sa gilid ng parang
Walang tubig doon sa walang kibong alambreng bakod...
Walang imik o ungol sa likod ng natuyo't nabuwal na mga
punong-kahoypunongkahoy...
Walang kamay na mag-aabot ng kapirasong tinapay.
Sinong naglalakad ang umaantabay sa atin?
May saplot sa mukha, nakabalatkayo, bitbit ang putikang pandong--
Di ko batid kung babae o lalaki, binalaki, katutubo, dayuhan—
Lagaslas ng ulan agos ng ilog alingawngaw ng alon sa
dalampasigan—
Sino 'yang ‘yang naglalakad nagkakandatisod sa kabilang tabi mo?
Sinong kasama natin ang tumakbo't tumakbo’t tumakas din upang
tayo'y matagpuan dito, mabaho’t limahid
ngunit kaakbay at kabalikat?
Nagmamadaling araw na noon (natatandaan ko pa) nang
tayo'y lumuhod at humalik sa tigang na lupa
nagpapasalamat
na umabot din—ay naku!
tila himala, sa awa ng armadong Birhen –
sa napagkasunduang tipanan.
###
BUKAS, MAY-NILAD!
“By the rivers of Babylon, there we sat down, yea, we wept when we remembered Zion….”—
--PSALM 137
Mula kay Ka Alegria, pasalubong ang cancion ng sosyalistang pakikibaka
sa Venezuela, kalugod-lugod na balitang ipinaabot mo bilang balik-bayanbalikbayan--
Bagama’t sinagkaan hinarang, patuloy ang agos ng Revolucion Bolivariano
sa lupang binusabos ng imperyalistang dayuhan unti-unting bumabangon….
Sana’y magtagumpay ang mga makatarungan
Habang dito sa Babilonya kami’y nakadukwang sa ilog, naghihintay
tumatangis sa paggunita ng lupang tinubuan—kailan tutubusin?
Paano namin isasatinig ang awit ng Panginoon sa bayang ipinagtapunan?
Paano magdudulot ng tuwa sa pangungulila nang tangayin ng estranghero?
Panalangin nating magtagumpay ang mga makatarungan
Nakaupo sa pampang ng ilog Babilonya, lumuluha tumataghoy
tangay ng agos kimkim ang alaala ng naiwang tahanan… bumabalik
Sa panaginip ang lupang sinakop bansang nagkawatak-watak
di mapahinahon ang kaluluwa ng katawang hiniwa ng paghihiwalay….
Sikapin nating ipagtagumpay ang makatarungan
Mula sa gilid ng ilog nakagulapay umiiyak kung magugunita ka
O lupang binihag! Yaong mga dumukot at gumahasa sa amin,
humihingi—ay naku--
Pilit kaming pinapakanta subalit paano, Ka Alegria, di ko maubos maisip,
Paano aawitin ang cancion ng manunubos sa bayan ng mambubusabos?
Oo, walang salang magtatagumpay ang mga makatarungan!
BAGUHIN MO ANG IYONG BUHAY
“Masdan ninyo ang mga ibon....”
Bago magpantay ang paa
lumikas ka mula sa lugar ng engkuwentrong
pinaghaluan ng balat at tinalupan
Walang tanglaw sa pakikipagtipan
ayaw tumawad sa sugal ng maskarang mapagpanggap
Kinalawang na ang puso
nilagok ang apdong hinugot sa kung saang tadyang
Gumulong ang tadhanang palabiro, humihimok
Kawing-kawing ang himutok
Mula sa kumuno’y pabulaos—
Busabos ng palad, bakit mo tinitiis? Kailangan, kailangan ang paghuhunos
Namamalahibo, isingkaw mo ang nakaumang na pangil, isingkaw
At huwag sumuko sa kabuktutan
Walang tiyak na katubusan kaya itakwil ang larong mapanlinlang
ng mandarayang kaulayaw
Masahol pa sa lambutsingan ng hayop at malansang isda
Iligtas mo ang puso sa tukso ng Aprodayteng iniluwa ng dagat-bula—
Ano’t maghuhunos-dili o mag-aatubili?
Oo, baguhin natin ang lahat
sa mapagpalayang pagbubuklod
at pagbabalikwas—
MONTAGE: TATLONG KUHA NG BAGUIO CITY
I.
Umuulan noon lumulundong ungol ng tulirong panahon
sa lungsod Lungsod ng Baguio isang hapon ng Agosto 1986…
Nanuot sa buto ang walang hunos-diling lamig
tumalab sa bawat nagsalabid na himaymay, lumalagos….
Nirambolan ako ng ligalig, Sinta,
ngunit ugong lang ng humihingal na yapos
usok lang ng naupos na halik
sapagkat wala ka sa piling ko…
Ulang umigting ulang tumimo sa butong binabalot ng kutob
ulang umaasar sa kirot at hiwa ng pagsisisi….
Hikbing nagpahibik--nasaan ako?
Pumapayagpag hanggang napalaot
sa bulubunduking tahanan ng mga anito
sumusuray-suray, lulan ang inimbak na gunita--
kanino ilalaan?
Naligaw sa nagkabuhol-buhol na lansangan ng kabihasnang plastik,
dating teritoryo ng mga Igorot
na sinakop ng imperyalismong mabagsik,
doon hinagilap kita,
Paraluman ng manlalayag,
sa gubat ng ulan na unti-unting tumalunton ng landas…
Sandaling nakalimot sa sarili, natulak-nakabig ako
sa isang maulap na tuktok, kung saan
biglang natambad ang tagibang tore ng katedral….
Nakakatulalang Nakatutulalang bangungot? Diyata?!
Sige, kurutin mo ang pisngi ko, Sinta,
upang bumalik sa kadluan
ng hilakbot at rahuyong pinagmulan.
II.
Umuulan noon walang awang bagsak ng bumubugsong tubig
sa lungsod Lungsod ng Baguio isang hapon ng Agosto 1986….
Pinakawalan ng mapagbirong kalikasan
ang rumagasang buhos, barumbadong saliw ng hanging nagngingitngit--
Kinakaligkig na balahibo ng kaluluwa ang umungol, naghanap sa iyo,
Mahal….
Ulang gumiyagis sa taong naligaw
sa nagluksang lansangang inaspalto ng pighati'tpighati’t
inambus na panaginip….
Sa gilid ng iyong natikom na labi namilaylay ang ilanlibong dalamhati
na humati sa 'ting ‘ting dalawa
lubog sa lagim ng walang pananagutan….
Umuukilkil sa ulirat hanggang ngayon
ang natagpuang biktimang nakalupasay sa Session Road,
katawang isinuka ng duguang matris
ng lipunang haliparot….
Sige, ulang masungit, ulang nanunukso ng patawad
hinuhugasan ang isinumpang luad
na bumaklas sa maluhong hibo ng uri ng petiburgis
upang ipaghiganti si Macliing Dulag…
Pinaliguan ang katawan ko ng ulang mabagsik, Mahal,
habang tinatalunton ang liku-likong landas sa bundok Bundok Mirador,
pilit na nilulunok ang pait ng pagtitiis at asim ng pagkabigo,
upang doon salubungin ang timbulan ng ating pag-asa--
Ay naku, makatang sampay-bakod, konting timpi…
Isingkaw sa sikmurang hungkag
ang pagbubulay-bulay ng budhing nabuwal sa putikang pusali,
nangangalap ng mumo
sa pinagmulan….
III.
Umuulan noon… ulang nagkulapol ng ulap at bulang pumulandit
sa lungsod Lungsod ng Baguio
isang hapon ng Agostong kay panglaw….
Ginimbal ng walang-hiyang kulog ang panaginip ng mga Igorot
at pulot-gata ng mga nagkalimatikang bagong- kasal--
binulabog ng kidlat
ang kapayapaang tumining sandali, nagluwal ng duwende at paru-paro,
pagkabuwal ng diktaduryang Marcos-USA….
Alimpuyo ng buntong-hininga sa panahong sakmal ng pangamba, makulimlim,
saplot ng agiw at anino
ang guniguning nakalimutang humalakhak….
Wala ka sa piling ko, Sinta, kaya naligaw sa pagsugod sa maburak na tanawin
habang binabayo ng ulan
ang katawang dati'y hinimas mo't mo’t hinaplos….
Inaalimpungatan ba ako?
Saang bubong
makikisilong ang ulilang nilalang?
Sino ang mapapagkakatiwalaan
sa nagsangandaang napasukan?
Nakadipang kaluluwang dinapuan ng takot, Mahal,
sa liblib na sulok ng
Burnham Park nasumpungan kita,
diwatang walang pangalan,
nilambungan ng ulang humahaplit
Paralumang naghuhudyat ng direksiyon,
wala akong kamanyang maisusuob sa iyong altar
kundi pangakong matutuklasan ang kahulugan at katuturan ng aking buhay
sa bitak ng iyong talampakan--
ang landas patungo sa hamog at halimuyak, sa silahis
at luwalhati ng pagbabagong-buhay
doon sa mga gulod ng pinong pinapatnubayan ng mga anito,
kung saan masisilip sa pagitan ng ulan at ulap
ang ngiti ng mga Igorotang tumatawid sa tarundon ng terasa
malayo sa lungsod Lungsod ng Baguio,
kasiping ng mga bituin.
BIYERNES NG HAPON SA OKTUBRE
Sa hapong taglagas may sugat na umaantak
Sa lamat ng mga kalsadang aspalto sa lungsod na dating pastulan ng mga
katutubong Indyang Pequot.
Anong kabulaanan ang itinatago ng mga kortina sa durungawan?
Hindi alam ng mga kalapati kung anong kulay ng pag-asa.
Naupos na sigarilyo’y ibinurol ko sa tabi ng Tulay ng mga Palaka
Habang patungo ang prusisyon ng trapik sa Foxboro Casino
na pag-aari ng Indyang Pequot.
Kung bakit sumingit sa isip ang Abu Sayyaf?
Sa takipsilim ng taglagas sinisilip sa gunita ang kutob at kilabot
bago tayo naglakbay patungong Amerika.
(Oktubre 1, 2005, Willimantic, Connecticut, USA)
PUNTA SPARTIVENTO
“In the naked and outcast, seek love there.” –William Blake
Kamusmusa’y pinaglahuan, Mahal ko
Hinubdang kariktan ng lawa, bundok, at ulap na maaliwalas--
Bakit malulungkot?
Sa kabilang ibayo nagliliyab ang mga bulaklak, pula, dilaw, asul, o kulay luntian
Ngunit ang nakaraan ay sumisingit sa ganda’t aliwalas ng kalikasan
Bumibiyak sa pinagbuklod na puso’t humahati sa pinagtipan
Nagugunita ang pinakasasabikan
“Ininis sa hukay ng dusa’t pighati”
Alaala ng kinabukasan—
anong balighong simbuyo ang naibulalas ng dumaragsang hangin?
Sa dalampasigan ng lawa dito rito sa Punta Spartivento
kung saan naghihiwalay ang hangin—sa kaliwa o sa kanan--
Tila walang pagpapasiya, itinutulak sa kaliwa o kinakabig sa kanan
Pinaghahati ng tadhana o kapalaran?
O itinitulak itinutulak ng pagkamuhi, kinakabig ng pagmimithi?
Anong uring ibon doon sa kabilang pampang—pumapaimbulog, pumapailanlang?
Tila kuko ng mandaragit ang humahagupit ngayon
Nagsisikip ang dibdib, balisa sa pagkabigo, pinagtiim ang bagang
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagutlagot—walang kailangan….
Doon ang pag-ibig sa mga hinagupit ng walang-katarungang orden,
doon sa mga dukha’t ibinukod ng kabuktutan.
Agaw-dilim sa Punta Spartivento, humahati’t bumibiyak sa agos ng panahon at
karanasan
Sa pangungulila, kumikintal sa gunita ang mga mandirigmang sumakabilang
buhay
Di matatarok ang lalim ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Patuloy ang paglalakbay sa kabila ng hanggahang humahati’t naghihiwalay sa atin
Mahal ko, namimilaylay sa iyong labi ang damdaming biyaya ng nahubdang
kamalayan
Nakintal sa dalumat, sa pagitan ng panganib at dahas, ang kailangan at di-
kailangan
Ang walang halaga at may halaga, pinaghahati’t pinaghihiwalay…
Pinagpala ang mga kaibigang namundok at nag-alay ng kanilang buhay
Pinagpala ang mga walang pag-aaring nagdusa’t nagdurusa para sa kinabukasan
Pinagpala ang mga bayaning naghiwalay at humati, nagbukod at nagbiyak
Magtatagpo ang lahat sa Punta Spartivento ng pakikipagtuos
UYAYING NAGHAHANAP NG MAKABAGONG KANTOR
Tulog na, bunsong sinta, sayang lang ang luha mo
Ang ina mo’y malayo’t sumugod na sa dilim
Hanap mo’y dating tamis sinisipsip hinihigop
Meme na, bungangang humihikbi’t nakanganga
Kundi’y isisilid ka sa gusit kapalit mo’y salapi
Di naman masundo’t nanupol daw ng sampaga
Tulog na, dilang uhaw, ina mo’y naligaw tila
Saan nakahain ang dibdib susong nakalantad
May putik sa pisngi may balaho sa sinapupunan
Meme na, labing tigang, nilalang na nilinlang
Isisilid ka sa bumbong kapalit mo’y bagoong
Dalamhati’y ingawa ina mo’y napariwara
Tulog na, ngiping bungi, sumisingasing sa silong
Kakilakilabot na hayop alagang bumangis
Sa pakikihamok ina mo’y hinuli’t hinuthot
Meme na, bunsong uhugin, malaki ang sisidlan
Lawit ang tumbong pasang-krus ibulong sa hangin
Sandok nakasuksok palayok nakataob
Gising na, bunsong madungis, humabi ng bagong uyayi
Manupol ng pulbura’t isabog sa marangyang alta
Gusi’t bumbong ay bawiin kamusmusa’y isuka
Taas noo’t kabakahin ngitngit-sungit ng panahon
BALIKBAYANG SINTA
I.
Lumipad ka na patungong Roma at London
Balisang nakalingon sa ulap lulan ng naglaboy na panaginip
Lubog sa alaala ng kinabukasang unti-unting nalulunod
Lumipad ka na patungong Riyadh at Qatar
Sa pagkamulat kukurap-kurap sa pagtulog puso'y nagsisikip
Binabagabag ng sumpang naligaw sa salawahang paglalakbay
Lumipad ka na patungong Toronto at New York
Tinutugis ang biyayang mailap nabulusok sa patibong ng banyaga
Sa ulilang pugad anong maamong pag-asa ang nabulabog
Lumipad ka na patungong Chicago at San Francisco
Kumakaway ka pa tiwalang may katuparang babati ng “"Mabuhay! ”"
Alinlangang luha'y naglambitin sa bahag-haribahaghari ng bawat yapos
Lumipad ka na patungong Hong Kong at Tokyo
“"Di kita malilimot”"--pumaimbulog ang tukso ng nabitiwang paalam
Nabakling pakpak usok sa bagwis inalagwang talulot ng bituing nasunog
Lumipad ka na patungong Sydney at Taipeh
Ay naku, anong panganib ng gayumang sa pangarap nagkupkop
Ibon kang nagpumiglas alay mo'y mo’y talim ng paglayang nilalangit
Lumipad ka, O sintang mahal, ngunit saang kandungan ka lalapag?
Bumabalik sa dalampasigang hulog ng iyong hinasang pagtitiis
Aking kaluluwang hiniwa't hiniwa’t ikinalat sa bawat sulok ng daigdig.
II.
Huli na raw ang lahat. Huli na, umalis na ang tren lulan ang gunita'tgunita’t
pangarap.
Huli na, lumipas na ang kamusmusan ng balikbayang naglagalag.
Huli na, naiwan na tayo ng eruplanong eroplanong patungong Tokyo at Los Angeles.
Huli na, nakaraan na ang oras ng kagampan at pagsisiyam.
Tumulak na, malayo na ang bapor patungong Hong Kong at Singapore.
Nagbabakasakaling aabot pa ang kable--Sayang, di biro, nakapanghihinayang.
Huli ka na sa pangakong pinutakti ng agam-agam at pag-uulik-ulik.
Huli na, nahulog na ang araw. Itikom ang labi, itiim ang bagang.
Kahuluga'y naanod-lumubog sa dagat Dagat Sargasso ng pagpapakumbaba't pagpapakumbaba’t pagtitiis--
Pahabol ay di na magbubuhol— Tapos na ang pagsisisi't pagsisisi’t pagpapatawad.
Walang taga-ligtas ang lalapag sa tarmak mula sa lobo ng iyong pangarap.
Huli na nga, nakaraos na ang kasukdulan, di na maisasauli ang naibigay.
Sinong manlalakbay ang magkakaila upang mahuli ang katotohanan?
Mailap pa sa mabangis na hayop na nasukol, bumabalandra sa rehas---
Mailap pa sa hibong ibong (?) nagpupumiglas—
Saan ka nanggaling? Saan pupunta?
Paos, hapo, dayukdok, gasgas ang siko't siko’t tuhod, gumagapang mula sa guwang--
Maghulihan tayo ng loob, Estranghera, hinihintay ang ligayang walang
kahulilip.
ITAGA SA BATO
Naghiwalay tayo noong Disyembre 1991 sa kanto ng Blumentritt at Avenida Rizal.
Ka Felix Razon, natatandaan mo ba?
Bungkalin mo ang kalansay sa apog at lumot ng gunita
upang masapol ang katotohanang taliwas sa kabuktutang naghahari.
Inilantad mo ang kabulukan at pagtataksil ng gobyerno't gobyerno’t militar
sampu ng pagpuputa ng mga premyadong artista't intelektuwal
kaya hindi nakapagtataka, hinuli ka't ka’t ikinulong, binugbog, ginutumginutom
sa bartolina, kinoryente ang bayag, parusang makaabo'tmakaabo’t-dili--
Diyos ng awa, sinong makapagbubulag-bulagan sa krimeng nangyayari
araw-araw sa bilanggong pulitikal? Sinong testigo ang magpapatunay?—
dahil (bintang nila) ikaw raw ay komunista.
Umaambong takip-silim
nang tayo'y maghiwalay, patungo ka na sa asilo ng Utrecht, Holland….
Samantala sa Isabela at Davao, timog at hilaga ng kapuluan, patuloy
ang paghihimagsik ng masa, ang “"di-kagila-gilalas na pakikipagsapalaran”"
ng karaniwang mamamayan, katuwang ang mga kapatid sa Bagong Hukbong Bayan….
Ilang taon na ang nakapamagitan sa atin….
Makulit ka pa rin, sinusurot ang lahat ng kasuklam-suklam na kamyerdahan
Ngunit kaagapay ng iyong paglipat, napansin ko sa mga sulat mo
may bahid ng pagkainis, pagkasuya, pagtatampo, hinakdal--totoo ba ito?
sapagkat (wika mo) nakalimutan na ang sakripisyong naihandog mo sa bayan….
Yumao ka na, Ka Felix, naglagalag sa gubat ng mga lungsod, kaulayaw ang
mga ulilang lansangan at malungkot na katedral at palasyo sa Europa, habang
sa Nepal, Venezuela, Bolivia, Palestina at iba pang bansa unti-unting sinasakop
ng mga komunista
--mabalasik at matalisik—
ang mga kuta ng imperyalismo
kaya kahit na walang makaalala sa iyong paglilingkod sa kilusan, di kailangan,
ipagbubunyi ang iyong katapangan at katapatan, kahit bawal ito at mapanganib….
Ka Felix Razon, saan ka man naroroon, dinggin mo ang pahimakas kong ito:
Alimuom at trapik ng nagsalikop na kalsada sa Blumentritt at Dimasalang
ang sumaksi sa ating huling pagniniig, at itong katagang hinugot sa alabok
ang magsisilbing memoryal sa iyong puntod o saan mang larangan ng pakikibaka,
nawa'y nawa’y maging mabalasik at matalisik
ang talinghagang naikintal ko rito—
pintig at pitlag ng panambitan,
nagpupuyos sa angil ng tagulaylay.
PROBLEMA NG MAKATA SA PANAHON NG TERORISMO
Nangungulila Tila luho’t karangyaan
Habang patuloy ang kabuktutan kasamaan
Terorismo ng Estadong neokolonyal Dahas ng militar at pulis
Patuloy ang pandurukot pagpaslang
Ilan libong biktima ng Oplan Bantay Laya—di na mabilang
Kamakailan, 57 na ang (?) biktima ng masaker sa Maguindanao
Pinagbabaril ang mga mukha’t katawan
Nilapastangan pa ang maselang bahagi ng mga babaeng pinatay
Wala na bang hiya Wala na bang dignidad ang Pilipino?
Karumal-dumal Kahindik-hindik
Pagkatapos ng Auschwitz Buchenwald Intramuros
Barbaridad ng mga pasistang Aleman at Hapones
Sampu ng mga namatay sa Hiroshima at Nagasaki
Payo ni Theodore Adorno, pantas sa sining at pilosopiya,
Wala na’ng kabuluhan ang sining at tula—
Ang tutula pa, talagang tulala!
Ngunit lahat ba’y sakop na ng politika ng oportunismo’t dahas ng Estado?
Ng gahasa’t pangungulimbat?
Kasama, pwede ba’ng lumihis sa linyadong programa?
Pwede ba’ng ipakawalan ang isang buntong-hiningabuntonghininga
Pagtutol sa kabuktutang umiiral?
__________
Habang pinakikiramdaman ang ngiti sa matang pumilantik
Hinagka’t sumimsim
Saglit lamang
Luwalhating kay tamis sumisirit namumuro
Saglit lang
Nanuot sa bawat himaymay lubos labis
Saglit lang
Nangalisag sa bangis ng kalmot at kagat
Saglit lamang
Sagad-sagad sumisidhing labis lubos namumuro
Saglit lang
Umabot sa kasukdulang putok ng nasa sa laman
Lumbay ng paalam sa pagkaalam
Minsan lamang ang salagimsim
Kaluluwa’y nagkabuhol-buhol sa braso’t binti
Sa lalamunan anong hapdi’t pait
Kusang-loob na pagtatalik mula sa paraisong
Bagamat walang kamataya’y tinalikdan
Saglit lamang
Ay naku, muling hagkan
Apoy ng halik walang taros walang awa kung saan-saan
Walang katapusan
SIMULAKRANG ABOT-TANAW
Kawiiliwili ang silid na ito, hantungan ng iyong paglalakbay.
Halina’t maupo dito rito sa harap ng punong pino sa may durungawan.
Di nasaling ng nagmamadaling takbo ng daigdig ang pusong namamahinga.
Halika’t magnilay tayo sa panahong dumadaloy, magmuni-muni sa karanasan at pangyayaring
umaatikabong humahabol sa daluyong ng trapik sa labas.
Sa silangan, may umuusad at lumalagitik na aninong di ko mahulo….
Sa kanluran, may anasan ng umiihip na hanging di ko alam kung saan galing….
Walang daan sa harap…
Iyon ay mga bakas lamang ng aking paa.
Nakahuhumaling humimpil sa silid na ito, di ba?
Ngunit
Kung nais mong magpatuloy, sige, huwag magpaabot ng dilim-- hayo na!
Ang hakbang mo ang lilikha ng landas—
landas na hinihiwa ng tutubi
at sinusukat ng pakpak ng paruparo.
SA HARDIN NG VILLA SERBELLONI, BELLAGIO, ITALYA
Sandaling matining ang kristal na tubig sa lawa, kapagkuwa’y
nagsising-sing at umaalimbukay
Di mo pansin ang lagaslas ng hanging pumupukaw
sa mga bulaklak ng tinataluntong landas pababa
sa gumuhong kutang nakaumang sa ating pakikibaka
Curva pericolosa Rimanere sul sentiero
Sa gitna ng luho’t yamang naipon sa mga mariwasang palasyo nina Duke Serbelloni
at iba pang mga “ibong mandaragit”
Huwag ka raw lumihis lumiko lumukso-lukso,
banyagang lumuluha kahit walang mata
Sandaling matining, kapagkuwa’y umaalong maharot—nagbabago sa kisap-mata!
Huwag lumipat o magbago, dayuhang lumalakad kahit walang paa—mapanganib daw
Lawang tahimik, mahinahon, salaming matining
ngunit sa muling paglingon umaalimbukay--
ngunit di mo alintana habang umaakyat ka
upang maabot ang yelo’t ulap sa bagwis ng himpapawid
Sa hardin ng rosas sa grotto nakaluklok ang ispiritu espiritu ng mga Romanong sundalo’t
alipin ni Pliny, historyador—
Abo ni Pliny ang naging pataba sa lupa
kasiping ng mga buto ng mga piratang anino’y gumagala tuwing dapit-hapongdapithapong
maalinsangan
Curva pericolosa Rimanere sul sentiero
Biglang sumulpot sa gunam-gunam si Victor Olayvar, aktibistang pinaslang ng
militar sa Bohol ilang libong milya ang layo sa Bellagio, Italya….
Manlalakbay mula sa islang dinilig ng dugo ng mga bayani, mag-ingat ka raw
at huwag lumihis sa nakagawiang daan ng talisuyong inaruga’t kinupkop ng
mabiyayang
kalikasang malamyos ang yapos ngayon, kapagkuwa’y maharot
Nag-uulik-ulik
Tatawid sa pagitan ng mga daang nagkrus at nagsalit-salit
Nagdidili-dili
Lumipat sa kabilang daang nagkawing-kawing, nagsing-singnagsingsing
Nagmumuni-muni
Nakatutok sa diyalektika ng pagtakwil o pagtalima
Talipandas na kinalinga’t inandukha ng mga taga-gubat, tiwalag sa dahas ng
rehimeng komprador sa Pilipinas kakutsaba ng imperyalistang Yangki
Sa baluktot na panahong puspos ng krimen at kabuktutan ng mga naghaharing-uri
Kailangang lumihis sa baluktot na daan
Kailangang humawan, gumawa, lumikha ng bagong landas doon sa sukal at yagit
ng gubat
Harapin ang nakaumang na panganib
Umiwas sa nakaugaliang pagpapabaya, pagpapaubaya
Curva pericolos
Iwan, talikdan, itakwil ang bulag na pagsunod sa tradisyon ng mga nang-aalipin at nagpapaalipin
Lundag Lukso Lipat Baguhin Ibahin
Mangahas itayo ang bagong hagdan sa pagitan ng langit at lupa
Mangahas ilatag ang tulay mula sa duguang lupa ng mga Villa
tungo sa pinakamimithing dulo’t hangganan
ng ating pinagbuklod-buklod
na pagkikipagsapalaran laban sa nagmana sa kapangyarihan ng
mga Pliny at Serbelloni—
Sandaling matining ang kristal na tubig sa lawa, ngunit maya-maya’y
sumusulpot, bumubulwak,
umaalimbukay—iuumang ang ‘yong buhay?
Curva pericolosa
Sa bawat sandali, nagbababala, sa ‘sang kisap-matakisapmata—
Saan mo itututok saang daan at direksiyon mo
iuumang ang ‘yong buhay?
[Bellagio, Italya, Setyembre 2006]
IPAUBAYA SA ULIKBA
Nag-uulik-ulik pa sa larong paghuli sa Adarna
Habang dinuro ng udyok ng balahibong gayuma
Hibong pumukaw sa ubod-usbong ng kaluluwa
Tumakas ang sutlang bagwis, umaalimbukay
Ulilang lumipad sa kasukdulang aliw ng ulirat
Tumakas at nagkubli sa ulbong hinabi’t
Hinubog sa pugad ng duguang matris ng guniguni—
Sa ugnayang magdamag, umaalingawngaw ang pakpak
Kung saan umuukilkil ang uha ng sanggol
Tuksong umugit sa panimdim at umulos sa budhi
Ulinigin ang pagaspas ng sutlang bagwis, umaarangkada--
Habang nagtatalik ang buwan at araw sa nagluksang balat-kayobalatkayo—
Nabulabog sa hibong ugong ng uyaying tukso
Ungol ungal ng inang nabuntis sa pag-uulik-ulik
Karamay magdamag, naghunos sa ulbong kinamulatan—
Sino’ng huhuli sa libog ng diwang pumaimbulog?
Usigin ang hiwagang lulan ng gumiring takipsilim--
Urong-uod sa dahas ng utak ang makatang ulol
Nasilo ng gayumang umigkas sa duguang taring
Hulog ang kaliskis ng hayop panaginip ang umaga.
HINTAY, SANDALI LAMANG, BIRHENG WALANG AWA
Nakabibighaning dilag, pwede ba?
Habang nakasalampak sa bakod ng sangandaang di malusutan
Naritong hampas-lupanghampaslupang nabalaho’t
sinibasib ng matinding pagnanais
Anong sungit ng langit, napakamaramot….
Nakatutuksong dilag, talang unti-unting naglalaho:
Sabik na sabik na akong mapakiramdaman ang bugso ng dugong mailap--
Bakit nagmamadali?
Unawain sana, pwede ba, walang awang dilag
Itong sugalerong napasabak sa laro
ng diyablong pitang gumigiyagis sa ulirat.
Saan mahahagilap ang matimtimang dilag?
Hintay, kahit isang sulyap lamang---
Sa pilantik ng iyong mata nagsalubong, sa aking panimdim,
Ang katawang naluray at guniguning alumpihit,
di maramot sa awa…
Sinusubukang makilatis ang kariktan
ng nimpang nalusaw sa panaginip--
Hintay sandali!
Anong kakintalang dagling naglaho’t tumimo sa diwa?
Mataimtim ang pagnanasa, O birheng kay bangis--
isusuka ko ang asim at pait
Ng ilanlibong pagsisisi at panibugho
upang sa muling balasa, kahit malas,
Makapiling ka, lumilikas
sa nakabibighaning pilantik at halik
ng mga ahas sa iyong buhok...
HARANA SA ISANG KASAMA, HINAHAMON ANG TADHANA
Pambihira ka
Matatag matingkad mabagsik ang luntiang apoy sa iyong mga mata
Habang dumarampi ang hamog ng umaga
Sa iyong pisnging hinog sa pangarap ng dinukot at ibinilanggong kinabukasan—
Nagliliyab ang iyong tapang, nakapapaso ang dingas ng iyong determinasyon—
Nabighani sa alindog ng iyong dangal habang lugmok sa panaginip
Nangahas ang kaluluwang lumantad madarang, nahimok ng kung anong bagwis
Ng tukso sa bulong ng iyong labi’t galaw, tuloy naligaw sa paglalakbay—
Walang sindak mong binalangkas ang ordeng mapanganib at binungkal ang landas
Namumukod sa madla, buntalang motor/dynamo ng bukang-liwayway….
Kahit sumabog ang pulbura sa mundong binagtas ng iyong budhi, wala kang takot
Hawak ang sulo ng katarungan, sumusugod ka--
Siklab ng huling paghuhukom, O armadong anghel—
Bumabangon sa iyong bisig at kamao ang mga biktima ng imperyalismo
Upang bawat nilalang ay magkaroon ng pambihirang katangian tulad mo—
Upang maging pangkaraniwan ang iyong pambihirang giting at kariktan—
O Paraluman ng pag-asa’t pagnanais, sisikapin kong ipagbunyi ang dahas ng iyong
kabayanihan
Ang binhing inihasik ng talim ng iyong pagpapasiya
Bagama’t baliw akong nakasubsob sa hiwaga ng guniguning masalimuot,
pinagtatalik ang nitroglycerine ng pagnanasa at titis ng tadhana--
Walang makapipigil sa iyo, matatag at mabagsik, luntiang apoy ng himagsik
kayumanggi
humahagibis ang katawan mong lumalagablab
yakap ang bulalakaw ng pagkakapantay-pantay
at yapos ng sanghaya
ng pambansang kasarinlan.
BIYAYA NG TAGAPAGLIGTAS
1.
Unti-unti umaambon dumagit ang naglambiting
ulap sa panimdim
Patak-patak napigtal ang pangakong nahulog sa matris ng lupa
Naligaw ang umaasong tala sa takip-silim ng pangarap
Dahan-dahan ang pakpak ng guni-guni’yguniguni’y lumilim
humimlay sa iyong bisig
Bumalisbis dumaluyong ang babaeng kagila-gilalas—
Sumasaiyo sumasaatin ang kanyang pusong umiigkas—
Umaapaw ang ligayang biyaya ng tagapagligtas—
2.
Umuulan nang ikaw’y ika’y (?) umalis, nakisilong sa mutyang humarap sa panganib
Umaapaw ang batis, lumalagos sa pader ng tadhanang walang mukha
Nagpasiya ka, bulong mo’y dasal na tumalab sa kilabot at hilahil
Unti-unti humupa ang antak ng pagsusumamo, kamao’y bumuka’t bumigay

3.
Dahan-dahang tumikom ang labing bumigkas ng pagbati sa nagtanang
panaginip
Tigil na ang pangungulila-- Sa wakas ng sigwa, gumigising ang bangkay sa
ating pagdamay
Tigil na ang pagtitiis--
Dumulog sa lambing at bagsik hugot sa katawang inialay
Kumanlong sa gunita ang kaluluwang bumabangon, nakaumang ang dibdib sa
pagsubok ng umaga.

SANDALING PAHINGA’T PAGNINILAY PAGKATAPOS NG PAKIKIPAGTALIK
Gayunpaman.
Batid nating may nangyaring di maiwas-iwasan.
Sumisikip sinisikil.
Dahas ng teroristang Estado’t imperyalistang mandarambong.
Di sukat walang kailangan.
Walang awa nawawala.
Bakit?
Galing sa magkabilang dulo: engkuwentro ng lakbay-bayan.
Gabriela.
Kontradiksiyong walang kalutasan.
Isang butas.
Pag-aatubili’y nabunyag.
Sinusukat ng ilang nangungurakot ang panahon ng mga anak-dalitang binusabos.
Panahong dinanas labis sa kasaysayan.
Sapagkat.
Lumulutang sa tubig ng matris ng ina.
Pwedeng mangyari ang di inaasahan.
Flor Contemplacion.
Subalit.
Umapaw kahit di pa takda.
Sa hilagang Afghanistan ilandaang bangkay ang natagpuan sa Dasht-I-Leili.
Datapwat.
Upang matuklasan ang katotohanan.
Tumatagos sa komoditi-petisismo / commodity-fetishism.
Di kailangan.
Huwag makisangkot o makiramay baka daw raw mapahamak.
Bibinyagan pa rin ba.
Ngunit kung walang panganib.
Salud Algabre.
Dinukot ng militar sina----.
Muntik nang.
Naligaw sa gubat ng Albanya sa pagitan ng AFP/PNP at Abu Sayaff Sayyaf sa
Basilan.
Walang saklolo.
Bakit.
Nanggigipuspos pumipiglas.
Samantalang lumulutang sa mala-hiningang lawa mangangailangan.
Kung di ngayon kailan pa.
Iniluluwal naiilang.
Maria Lorena.
Sukat nang pagliripin.
Upang makahulagpos.
Nakadilat.
PAHIWATIG NG ARMADONG PARALUMAN
Mahal,
Nagliliyab ang lansangan ng Islang Puting Bato nang ikaw’y ika’y (?) lumisan
Sa iyong balintataw nagtalik ang liwanag at dilim
Nagtipan ang luha’t ngiti sa hanggahan ng pangako’t alaala
Saang likong landas tayo naghiwalay, nakipagsapalaran?
Pumalaot ka sa lagim ng lungsod, napigtal sa diwa’t nakintal sa dibdib
Patnubay ang masang kumalinga, sabik sa paglaya’y naglakbay
Bagwis sa budhi’y pumailanlang sa madugong larangan
Sa gilid ng bangin naglamay, sa gubat ng gunita naghintay
sa tukso ng mapagkandiling bituin….
Sa bawat pintig ng iyong kaluluwa, sa bawat himaymay
Nagpupumiglas ang sinag ng kinabukasan—
Luningning ng pag-asa, halimuyak at alindog ng panaginip
ng armadong diwatang kusang naghandog, kumalas, nagligtas—
Mahal,
Nilambungan ng usok at apoy ang gayuma ng iyong pilik-matapilikmata
Humagip ang bagwis ng guniguning lumipad lumapag
Lumusong ka’t tinahak ang tulay sa nilunggating ligaya
Sa dusa’t aliw ng busabos, binalangkas mo ang hiwaga ng darating.
Saang dulo ng landas kaya tayo magtatagpo, abot-tanaw?
Binaybay mo ang ilog, dumaramay sa udyok ng mapagpaubayang
batis sa lambak
Sa takipsilim gumapang ang sugatang katawan sa dalampasigan
Sinasalubong ang luwalhating biyaya, agos ng bukang-liwayway.

Luningning ng pag-asa, halimuyak at alindog ng panaginip ng armadong
diwatang kusang naghandog, kumalas, nagligtas—
MITSA NG PARIKALANG UMUKLOS SA BITUKA
Nakaupo ka sa silong ng kawayan, kumakalabit sa gitara,
awit mo’y nanaginip kang ikaw ay isang paruparo
sumasalimbay sa hangin hanggang—saglit lang—namangha
di mawari kung ikaw ay paruparong nanaginip ng dalagang umaawit….
Walang galaw, ang puso ko’y nakadapo sa buhok mo’t di mapigtal….
Bakit kailangan ko pang managinip na ako’y paruparo o paraluman?
Bakit maghahangad pa ng ibang kapalit sa katiwasayang dinaranas?
Palagay ko’y walang nakamasid sa iyong anyong hinagkan ng karimlan
maliban sa buwang tumatanglaw mula sa sanga ng kawayan….
Sa gabing tag-lagastaglagas, ako’y naglamay upang masulyapan ka muli….
Nanunubok sa ilalim ng bituing nakasalabid sa dahon ng kawayan.
Sa hungkag na burol, lumagpak ang kung anong bungang sukdulang hinog--
Gising ba o nagtutulog-tulugan? Hiblang lumipad? o lagas na talulot?
Nakakubli, sandaling tumigil, nakatitig sa anino ng mundong naglalaho….
Paruparo ka ba o guni-guniguniguni? Pumupungas-pungas, nangangalumata—
Inaku! mistulang bingi, pipi, bulag itong kaluluwang namalikmata
Nakaupo sa lilim ng balag,
kinakapa ang gitarang nalikha sa kawalan.
PAGBAYBAY SA TRANSISYONAL NA LANDAS NG PAGBABAGO
“Walang rebelyong nasayang, bawat isa’y hakbang tungo sa kalayaan….”
--Salud Algabre, lider ng mga Sakdalista
Napakapanganib ng tulay na ito, delikadong nakabitin sa hangin, nakakatakot--
Sana’y may iba pang daan sa kaliwang matatawid palayo sa kilabot ng gubat at
disyerto …
Kung bumigay ito, tiyak na malulunod ako, ikaw rin; ngunit kung wala ito
Walang dudang nabaon na tayo’t natodas sa dahas ng rumaragasang ilog.
Nakaraos din, sa malao’t madali, ngunit kung makuhang magbalik-tanaw
Napagnilay ko kung gaano kalalim ng tubig at anong hirap ang napakatarik na
hagdan paakyat;
Pagal, nais ko sanang mayroon tayong matibay na tulay, sariling atin, upang
Sinumang manlalakbay ay makatawid nang matiwasay, walang kutob ng pangamba.
Sa palagay ko, kung nais natin ng isang maaasaha’t matipunong tulay
Dapat tayo na mismo ang magpasiyang kumuha ng karapat-dapat na materyales at tuluyang baguhin ang luma’t minanang tulay--
Mangahas maglambitin tayo sa banging mapanganib tulad ng mga manggagawang yumayari ng matatayog at kapakipakinabang na gusali--
Mga bayaning makalupa, pulang mandirigma, pinilit ng pangangailangan,
Tayo’y natirang buhay, taglay ang karanasan, kalooba’t determinasyong ingatan
At pangalagaan ang trapik sa bisa ng katwirang malikhain, ng rebolusyonaryong
pagtitiwala sa isa’t isa, sampu ng pakikipagtulungan sa Nagkakaisang Hanay--
Siyang tanging paraang nalalabi upang lahat tayo’y makatawid sa kaliwa at lubos na
makalaya!
NALIGAW NA DAHONG LAGAS
Wangis babala mula sa langit ang naibulalas—
“suwail dahil kami’y nagkaroon ng pagmamahal sa
puri”
Umaarangkadang alipato ng utak ang dumampi
sa pisnging napukaw sa pagkaluhod….
Bulong ba ito ng guniguning nagayuma sa pagbunyag ng katotohanan?
Gumising sa pagkagupiling ang mga pinasuso ni Sisa o
Salome
sa gubat—“paraparang inianak na walang tanikala….”
Inandukha’t inaruga sa hiwaga ng panaginip
ng suwail na hayop—
Nagpupumiglas sa hawla ng kasaysayan ang budhing
inatasang
huwag “ipaalipin sa iba ang marangal at malayang pag-
iisip”—
Wangis pagaspas ng bagwis ang salitang hinugot sa bituka
ng kaluluwang naglakbay sa London mula Kalamba—
Ngayo’y alipatong pumaimbulog mula sa Bagumbayang
kinabuwalan, babala’y alingawngaw ng putok….
Tumahimik ang namagitang utak habang nabulabog na
titik
ang humirit sa santuwaryong nahubaran ng saplot,
humihirit pa rin….
Umaatikabong tinig ng armadong anghel sa Silangan
ang nagbubunyag sa mga bagong binyag ng Malolos
ng kaligtasang kanilang inangkin at inaruga sa bisa
ng natuklasang katutubong tapang,
alindog,
dunong
-
UMBAY PATUNGONG TAGUMPAY
1.
Unti-unti lumilim ang naglambiting araw sa panimdim
Umaasong pangako’y nahulog sa matris ng lupa
Naligaw ang tala sa takip-silimsilim ng pangarap
Apoy ng guni-guni’y humimlay sa iyong bisig
Dumaluyong ang mutyang kagila-gilalas—
Sumasaiyo ang pusong umiigkas—
Umaapaw ang kapalarang tagapagligtas—
2.
Nangahas kang humarap sa panganib,
Sumabog ang pag-asang lumagos sa pader
Utak mo’y tumalab sa hapdi ng pangungulila
Humupa ang kirot, kamao’y bumuka’t bumigay
Dumagsa ang sintang kagila-gilalas—
Sumasaatin ang pusong umiigkas—
Umaapaw ang tadhanang tagapagligtas—
3.
Tumikom ang labing bumati sa nagtanang panaginip
Tigil na ang luha-- Gumising ang bangkay sa ating pagdamay
Tigil na ang lumbay-- Dumulog sa kaluluwang bumabangon
Nakaumang ang dibdib sa pagsubok ng umaga
Dumagit ang diwatang kagila-gilalas—
Sumasalahat ang pusong umiigkas—
Umaapaw ang masang tagapagligtas—
DALIT SA PAGDIRIWANG BAGO SUMAPIT ANG HULING PAGTUTUOS
“Ito’y umiiral sapagkat, kasanib ng pagsalungat sa sarili, taglay nito ang kanyang pagkasugpo.”
- ---F. Hegel
Sabi mo’y nabuhay ka sa panahong limot na sina Dorong Asedillo at Kulas
Encalledo.
Di na bale….
Kahit turing sa iyo’y lawit-dilang patay-gutom, sampay-bakod, sinikap mong
pagbutihin ang gawaing iniatas at itinagubilin.
Paano nga maiaayos ang buto-buto sa mundong tagilid?
Suliraning masalimuot.
Sa gabi ng ating pagniniig, bakit nakatalukbong sa kulandong ng isip?
Di mo naman ipinagbili ang mga buto ng yumaong magulang….
Di bawal ang mangarap habang sumisingasing sa paligid ang baril at balila.
Kumakatok sa pinto ang kamao ng unos, nagbabanta….
Inihasik ng diktadurya ang sindak—dukot, tortyur, masaker, pati Abu Sayyaf—
Pinag-usig at pinuksa ang mga makabayang mamamayan.
Nilapastagan ng mga patutot ng oligarko ang sinumang tumutol—
Putris.
pati Birhen siguro’y gagahasahin kung kailangan, kahit hindi….
Sangkatutak na litanya ng bantay-salakay, mga kriminal na nakabalatkayong
mga pulitiko, mayor, gobernador, heneral, pulis….
Batid kong nagsikap, naghirap, natuto’t nagturo ka, sa panahong itinakda para sa
iyo.
Alam ko ring nagtikang baguhin ang ordeng bulok—
Nagpuputok ang budhi kung makikitang tiklop-tuhod ang madla sa imbing
kapangyarihan ng burokrata’t maylupa.
Hayan, umuungol ang bagyo sa bubungan at kumakalampag sa rehas ng
bintana.
Oras na.
Namuo sa kilay ng katipang nilisan ang alimuom ng pagkabalisa’t alaala.
Nalulusaw na ang duguang sapot na iniladlad ng kuwago ni Minerba kagabi.
Unti-unting sumusungaw ang liwanag sa tabing ng nakababagot na singaw ng
pulburang sumabog sa pilbaks at Molotob molotov kakteylcocktail.
Di iyon kabag o utot ng kaluluwang naglamay sa putahan ng Makati’t
Malakanyang.
Ayos nang na’ng (?) buto-buto….
Sa malas, ‘padre, bagama’t walang nakakilala sa iyo, suwerte ka’t ligtas ka
sa kumunoy at kakungan nina Imelda, Gloria, at--bakit sumagi sa isip?—
ang seksing Gina Lolobrigida!
Samantala, ipagdiwang natin ang dakilang halimbawa nina Macario Sakay,
Salud Algabre, Cherith Dayrit, at Kemberley Jul Luna.
Darating din, Oo, tiyak ko—
Darating din ang hamog ng tag-araw bagama’t tila walang patid
ang paghahari ng dahas….
TAG-SSIBOL SA NEDERLAND
Mula sa bubong ng simbahang Christus Triumfator sumungaw ang araw at sa Pax
Christi sumikat ang balintataw ng hatol:
“"Guilty ang rehimeng U.S.-Arroyo”--deklara ng Permanent People's People’s Tribunal—
Mainit na ang hipo ng amihan sa iyong pisngi, Karolina....
Nagtatangka nang bumuka ang buko ng mga bulaklak sa pintuan ng Hotel Van Der
Valk de Bijhorst
Subalit sina Ka Beltran at ilandaang kasama sa buong kapuluan ay nakabilanggo pa rin
Patuloy pa rin ang pamamaslang at pambubusabos
Patuloy pa rin, sa kabila ng pagtutol, ang paglaganap ng dilim
Dito sa maaliwalas na lansangan ng Den Haag, walang dagundong ng motorsiklo,
walang mga taong naka-bonet
Walang baril na nakaumang sa pagitan ng mga hita ng daffodil
Ngunit bakit hindi panatag ang loob mo, Karolina?
Tumatagos sa buhok mo ang silahis, tumatalab sa pilat ng sugat sa ulo mong
inupakan at binasbasan ng teroristang Estado
Habang pinapakiramdaman ang gumigising at gumagapang na risoma ng tulip
sa matris ng lupa
Unti-unting bumabangon mula sa panaginip unti-unting bumubuka
At sa banaag ng pagdamay masilayan ang iyong ngiti—
Binabaklas ang tanikala ng bukang-liwayway ng iyong mga labi--
Panahon na ng Christus Triumfator: bayang lumalaban!
[Amsterdam-Den Haag, Nederland, 3/26/2007]
PUMAPAGASPAS ANG PATALASTAS
Binatuta’t binugbog tumili’t humiyaw
Nahihimbing lahat sa nayon bagama’t didib mo’y inaalat
Ngunit hinala’y ilusyon lamang ang hibik, ingay ng kung anong hayuphayop—
Sa gitna ng ilog, patuloy na (?) sumasagwan ang mangingisda, umaawit
Kinutya tinuligsa hinubaran inaglahi
Sa talahib sumikwat ang metalikong sandata’t aparato
Ngunit sa butas ng selda anong bulong at anas ang lumulusot
Sa gilid ng lambak, walang tigil ang hampas ng mga sulong tumatawid
Pinupukaw ng daing at taghoy ang budhing taksil sa gunita—
Habang sa kamalig sumilip ang ugit ng duguang araro
Ngunit nasaan ang nangunyapit na kaluluwang isinumpang baog?
Sa dalampasigan lumutang ang tamod, iniluwang alak at alabok
Pagkatapos ng putukan, dumukwang at tumanaw ang nagising—
Sinong nakarinig ng sigaw ng “saklolo!”? Sino?
Ngunit patianod sa trapik ang uod ng poot, ngitngit ng bulating umuusod….
Sa liwasan, iniligpit na ang lantang bulaklak at tulyapis
Natagpuan ang bangkay sa gilid ng pampang, walang ibang tanda
Nakapagitan sa mga saksing umahon sa pusod ng gubat
Ngunit di mapaghulo ang gilas ng angil ng alamid
Sa bulaos tumalimuwang ang mga uwak sa alimbukay ng alipato
Bumalatay ang kilabot at nagbudbod ng apog sa pisngi’t labi
Walang kibo ang nagmalasakit, walang imik ang nagdalamhati
Habang masinop ang sinag ng buwang gumuguhit sa mukha ng nasawi
Sa gulod, nakintal ang samyo ng pulbura,
alingasaw ng pagngingitngit.
BAGO TUMIRIK, UMIRAP MUNA AT BIRUIN ANG TADHANA
Putris! Tila kurot sa singit ang babala ng kamatayan
Mula sa lingid na libis gumapang ang ulupong
Labas tumbong, mangkukulam na sabik makipag-ugnayan
Naaninaw ang kalapating humapon sa kaliwang balikat
Umikot ka’t umakit na maglamay sa burol ng bangungot
Bagama’t namimitak na sa silangan at nalusaw na ang ligamgam
Nakubabaw ng walang puksang pagtutol
Walang suob sa lilim ng kilay, umuugod-ugod sa pagnanais
Mailap ang diwang suwail at walang hinayang--
Kinakalampag pa rin ang bolang kristal sa harap ng militar
Siniil at nasukol sa sabik na pagliko, sumalungat
Sinikap lumihis sa nakagawiang landas, tumakas
Sumayod sa pusod ng kukong binunot sa leeg
Walang bantas badya badhang naaninag
Kinakalampag pa rin ng naghihingalong kasapakat ng tadhana
Kinuyom hanggang naibulalas ang pinakasasabikan
Sinagilahan ng libog sa lumagaslas na yapak ng diwatang lumipol
Sumagsag, bumaluktot upang buklatin
Nakubabaw, namiyapis, walang tugot bagama’t nakalupasay--
Walang sayang, walang kailangan, kinakailangan
Harang! laway at surot sa bulbol ang gantimpala ng birhen ng tadhana.
SUTRANG KAYUMANGGI
Akala mo’y nasa tabi mo pa ako, namalaging lumpo walang imik o kibo
Bagama‘t alam mo’ng lahat ay nagbabago, nag-iiba, sa daloy ng pangyayari—
walang tigil, kinakabahan--kung di pa nayari, Mahal, yariin mo na!
Laging nagnanais, nagnanasa, akala mo’y udyok ng katawan, ngunit pag-aari mo
ba
ang mga bisig na iyan, mukha, suso, vulva, pigi—kanino ba iyan?
Halika sa loob ng kulambo, ibulong mo, kumukutob ang tiwalang nawawala.
Sa likod nati’y hindi makulay na salamin sa bintana kundi bukas na dungawan—
Sapat ba ang isip sa diwa upang malagom ang karanasang walang hanggan?
Saang pitak ng laman ilalagak ang sandaling ito na unti-unting lumilipas?
Iniakma mong tanggihan (ngunit tanggap sa loob), di mahulo ang tiyak na
hugis,
anyo, hubog—hungkag lahat, walang laman—paano maihahayag o makikilala
ang damdamin mo kahit di mo man ipagkaila? kung di pa nayari, mangyayari
iyan.
Mahirap bigyan ng salita o larawan, ituro mo na lamang at sa bigkas ng labi mo
nabibigyan-kahulugan ang pumamapanaw di mo man mahipo o masalat--
dagling naglalaho—kay bilis, lumilihis—sumpang bunga ng pagluwal at pag-iral.
Lumabas ka sa kulambong masukal, Mahal, di maatim na walang kagampan
at, di biro, walang kaganapan sa buhay ng bawat nilikha, ng bawat nilalang
kaya sikaping lasapin ang aliw ng sandali, salubungin habang naglalaho,
pumaparam….
Ngunit, sawimpalad, ito’y ilusyon lamang, malikmatang nakasusulukasok,
sapot sa matang dilat sa panganoring nakapaligid, nalilibiran ng samyo’t ganda
ng kalikasan-- Halina doon sa lilim ng balete kung saan sumumpa,
talastas mong walang hiwaga, walang wika ang may bisang magbunyag o
magpakita,
sa gayo’y ituro mo na lang ang landas—teka, hintay, sinong
pumapalakpak?
Ipahalata mo lamang kung saan ang lusot, ipahiwatig kung saang lagusan
masusumpungan ang pagkatao mong hubad—doon kusang magaganap ang tipan
kahit walang kagampan, may ngiti ka namang iniingatan sa likod ng tuwa’t
lumbay--
Sayang ba, Mahal? kinukutuban—kahit di pa hinog, sunggaban mo na!
Magkasaliwang kilos paikot ang umuugnay sa awit ng gabi at ngiti
ng madaling-araw, kasaliw ang tunog ng ulilang palad na pumapalakpak sa
dilim:
Tahimik. Walang imik. Mayuming lumalapag ang mga talulot.
Liwanag humahalik.
LUNGGATI: PALAISIPAN SA ILALIM NG LAYAG
Nagulumihanan sa ilang ang dayuhan
Sa gilid ng balintataw pumalaot ang umugit
Kahit ginigipit ng kilabot tumitingala
Humugos sa dibdib ang tagulaylay ng lunggati
Nangulimlim sa anino ng manlalakbay
Sa bingit ng pilik-mata gumapang ang kutob
Lumutang ang bula ng pagmimithi
Naghihingalong bulalakaw sa gilid ng balintataw
Nagulantang sa ilang sumungaw sumisid
Ang dumayong lunggati tumindi’t pumanaw
Nagipit sa dulo ng angklang natimbuwang
Tumirik ang tala sa lungga ng dalampasigan
Pumailanlang mula sa banging humati sa laman
Humupa’t namilaylay sa bingit ng pananabik
Gumapang ang kilabot sa kariktang di matarok
Humugos ang taghoy ng guniguning pumalaot
KUNG SAKALING HINDI NA TAYO MAGKITA MULI
Tila matandang tugtugin na ito, Kasama, maski na wala akong lamparang
pagsisidlan upang makalusot sa guwardiya,
di bale, pakibigay sana ito….
Sabi nila’y kung saan marapa, doon bumangon, sige pagbigyan--
ngunit kung ikaw’y ika’y (?) pinatid, dinukot, binugbog,
pinaluwa ang bituka, ginahasa, tinadtad ang laman?
Walang kailangan—
Kaluluwa ko’y katawang bahagi’t sangkap ng buong kalikasan, lamang
ito’y may kasaysaysang hinugot
mula sa tunggalian ng mga uri at lakas…
Ngunit bukas? Kasama, walang maliw ang kalikasan….
Dinggin mo’ng amihang humahaplos sa bawat pisngi ng dahon at bunga
ng mga halamang alaga ng gerilya doon sa libis—
Masdan ang agos ng ulan sa bubong at sa daang bumibigay tuwing takip-silimsilim—
Pakiramdaman ang mga ibo’t hayup hayop sa tabi ng ilog
nakatingala sa buwan at sa bituing kumikislap
(Oo, di maitatago,
umaalingasaw ang bangkay na nakabayubay sa gilid ng hukay…)
Gayunpaman, magkita tayo doon roon sa tabi ng talong lumalasgas lumalagaslas (?) sa pusod ng gubat
at dumadaloy sa lilim ng lumulutang na ulap
sa balikat ng bundok….
Walang maliw ang kalikasan, bumibigay….
Sa bawat paalam, may handog na pagbating hitik ng kontradiksiyong
kalangkap ng bawat karanasan sa buhay:
iyo’y tadhana, kapalaran—
Sige lang, di ko na uulitin, sa iba’t ibang anyo’t mukha, magkikita muli tayo,
sa bawat pagkakataong may bumabaklas
at bumabalikwas
Naroon din ang humahalik at yumayapos—
Salamat, Kasama, hanggang sa muli, pakisuyo, ingat—
walang maliw ang kalikasan,
bumibigay….
KAHIMANAWARI
Laging tiklop-tuhod noon, hayup hayop na nagdarasal
Sa bawat bigwas at bawat hagupit, bumubulong-bulong
Tigil na, Inday, abutin mo ang brasong it!
Hanggang kailan balewala—hanggang di pa tumatalab?
Sa palengke lahat ay nabibili’t ipinagbibili—
Di lang talampakan ng katawan kundi pati singit ng kaluluwa….
Dura ng galit ang sukli, ngipin sa ngipin
Habang nakaduro ang alambreng dekoryente sa suso mo—
Tumalab na ba ang talim ng poot at pagkamuhi?
Abutin mo, Inday, ang armas na ito!
Nakalatay sa laman ang basbas ng pulbura’t tingga…
Bakit pa luluhod at gagapang sa nagpawalang-halaga?
Nakasalang sa sumusugbang bunganga ng baril—
Sunggaban mo, Inday, ang sandata ng masang nakaalay!
PASALUBONG SA BABAYLAN, MULA SA BALANGIGA, SAMAR
Sa dako pa roon, lumukso sa dingding ng bakuran
mula sa pader ng bilibid tumalon
upang masilo ang layag at mga bituwing nakasalabit sa kadena
ng takip-silimsilim---
Tigil muna, militanteng Musa,
sumilong tayo sa lilim ng umiinog na aranya ng gabi….
Pagmasdan ang aninong nagsasayaw sa paligid ng baliti—sinong babaylan
ang nagpugad doon? Pumipiglas sa nagbiting ugat
ang kaluluwang tumakas, binusabos ng banyagang sumakop….
Bodhisattvang umandukha, anong patawad ng kalikasan?
May paniking pumapagpag sa daang masalimuot, pinupukaw ang ulirat
hanggang umalpas at humagip ang bagwis ng guniguni--
Sa bintana, mga daliring tumutulay sa bakurang sagwil, sa tinaluntong
pader….
Sa sulok ng pinto, mga matang nagmamasid sa manlalakbay na walang balat-
kayo.
Ikaw ba’y isang ulol, aninong alipin, alibughang pumalaot na walang
destinasyon?
Sa pinagkayariang tipanan may himalang bumukal, pumuslit sa lusak,
hagkis ang panatang bumalikwas
sa gabing humugos sa dalampasigan at sumagadsad--
Bumabangon sa salimbay ng bagwis ang mangkukulam sa utak
habang tumitingkad ang hugis ng aninong nagsasayaw, tumitiim sa dalumat--
paniking naglagalag sa tanglaw ng mga bituing nagkabuhol-buhol,
nalagas bumitiw nahulog
dumapo sa leeg ng babaylan….
Bodhisattvang umandukha, walang patawad ang kasaysayan.
At namaybay ikaw sa daang-bakal ng maraming taon habang budhi’y
nagpupuyos
hanggang mahutok ang katawang pikit-mata sa kandong ng lupa—
Umalapaap ang panginorin….
Pagkatapos ng engkuwentro,
nabuksan din ang landas at sa tagpuang agaw-dilim agaw-liwanag,
hintay, militanteng Mutya--
ikintal ang kaluluwang nagumon sa panaginip
sa talampakan ng babaylang armado’t naglalamay.
SINGAW NG MGA NILANGONG HULAGWAY
Alimpuyo ng buntong-hininga sa Oktubre ng iyong kaluluwa
Bulang tila kislap ng diyamante sa gilid ng matang tumitirik
lumalagos dumadaloy
sa pagitan ng hiblang rehas ng iyong buhok
Uhaw ng pagnanais sa labi ng guho sa natagpuang lungsod sa gitna ng disyerto
Hipo ng liwanag
Silahis na biglang bumuhos sa karimlang saplot ng kilabot
Kislap ng bituin’y nalunod sa buhawing nakahulagpos sa hawla ng iyong dibdib
Sa luksang lansangan ng lungsod na ating nilalakbay
natagpuan natin ang nakalupasay na biktimang kasangkot sa ating pagtitipan
mga katawang nilublub
sa duguang matris na iniluwal sa panaginip.
Sumisid hanggang sumabog ang dibdib
sa pagyapos sa iyong kaluluwa
sa kaibuturan ng dagat ng iyong panagimpan.
Sa iyong paa idinampi ang sulyap ng araw sa pagbubukang-liwayway
paang binasbasan ng luha
sa himpapawid
PAKIRAMDAMAN
1. Kaakibat ng ulilang bahaghari sa panimdim
2. Hayup Hayop na sumisinghal sa tukso ng bikig sa
lalamunan
3. Puta-putaking paglilirip ang nakadakip sa nakabalatkayong salarin
4. Kumikiliti sa bungo ang buhok na
nakatalukbong sa budhi
5. Iginiit hanggang gilagid ang pagkukunwari
6. Di ka pa tinudla’y umilag na
7. Gumapang ang butiki sa alulod ng iyong
kalululuwa
8. Pinagbuklod ng alambreng matinik, nagisnan sa
hukay
9. Di pa nahipo’y tumitili na
10. Sa bangin walang tulay na pumailanlang
11. Sundang ba o karayom ang umulos sa
panaginip?
12. Sa usok ng talinghaga, salat sa balangkas ng
dalumat, naisakatuparan
13. Samantala’y ipagpaubaya. nagmumuntik
na sana
KAILANGAN LAMANG, IDUGTONG AT PAGKABITIN
….Di na umasa sa pirasong ass ni Britney Spears “sneaking into the Philippines”
tuluyang sumabak ang katawan sa rali ng GABRIELA
mula Rotunda hanggang Plaza Miranda—
Nasulyapan kita Walang babala’y sinagi pinadaplisan mo lamang….
Ay, titi ng Ama, salbakutang kabuktutan ng rehimeng Arroyo!
Paano maibubuo ang body politic mula sa pira-pirasong lamang
ikinalat sa buong daigdig?
Samantala, sentensiyado na si William Corpuz, Pinoy sa California, USA--
nilaslas niya ang lalamunan ng asawa, nilaslas ng nang walang premeditasyon,
di nag-ulik-ulik--
Nagprotesta ang mga Pinay, walang pag-aatubili, pati si Eve Ensler ng “Usaping Puk….”
Salbakutang seksismo ba ang dahilan? O sitwasyon ng OFW sa buong daigdig?
Nangyari ito sa “land of milk and honey”—
Ay, titi ng American Idols at Lea Salonga!
Saksi tayo sa krimeng extrajudicial killings, salvaging, terorismo
ng Estadong neokolonyal habang ilanlibong U.S.US “Special Forces”
ay lantad na dumarambong, walang urong-sulong…
Idugtong at pagkabitin lamang ang deliryo ni Corpuz at habeas corpus--
Nilaslas na ang mga lalamunan nina Shirley Cadapan Karen Empeno
Luisa Posa-Dominado Jonas Burgos at ilan daan pang dinukot ng rehimeng kriminal--
Ay, titi ng Ama, di mabilang na biktima ng sistemang bulok, ng ordeng
malupit--
Sa pagitan ng Rotunda at Plaza Miranda, walang premeditasyong hahagkan
yayapusin kita
upang tipunin at pagkabitin ang kaluluwa’t katawang
hiniwa’t naihiwalay….
Magkapiling tayo, Mahal, panganib/gayuma
ng madugong kontradiksiyong
sumasabog---
ENGKUWENTRO SA PINAGTAPUNAN NG BAYANI
Isang hapong umuwi akong mag-isa, Bella—limot mo na ito--
mula sa Andres Bonifacio Elementary School, napadako ako
sa palengke ng Blumentritt kung saan nasaksihan ang sakunang nangyari;
di sinasadya’y nasilip sa ilalim ng tren ang duguang bitukang
likaw-likaw ng kung sinong nadisgrasya, di alam kung bakit
sumagupa sa trapik na sinikap nating laging sabayan…..
Ilang taon pagkatapos, minsang pagliko sa nagkrus na daan
ng Dimasalang at Dapitan, nasulyapan kita at nahihiyang binati….
At sa kung anong dahilan, nagitla ako, Bella,
nang biglang pumitas ka ng pulang bulaklak sa gilid ng kanal
at iniabot sa akin bago tayo muling naghiwalay….
Nakamamangha, kasi’y namagitan na sa atin mula noon
ang likaw-likaw na pangyayaring humiwa’t nagbukod sa katawa’t kaluluwa…
At ngayong hapong sumisilong ako sa ilalim ng riles ng modernong LRT
na humati sa Avenida Rizal at sumaplot sa pusod ng aking kamusmusmusan
di mapilas, di mapigtal sa gunita ang talulot na kasing pula
ng iyong labi, Bella--bahid kaya iyon o damay ng aksidenteng nakasisindak?
Walang tangka, balak o bantang sariwain ang kahapong nakapagtataka,
habang tumatawid sa lansangang tigib ng panganib at pangamba,
kasabay ng dagundong ng gulong na bakal ng tren sa bubungan
nakatingala ako, gulilat, naipit sa pagitan ng kalye Tandang Sora’t Laong-Laan,
di kinukusa’y nasambit ko—sa harap ng rumaragasang trapik sa Blumentritt—
ang pangalan ni Josephine Bracken MacBride, dulce extranjera,
at ang pakikipagsapalaran sa mahiwagang kaharian ng Albanya.
LINDOL SA ILOILO, VISAYAS (6 Pebrero 2012)
Habang binibigkas ang ilang taludtod ng “Florante at Laura”
Sa isang panayam sa Miagao, nagkukrus na pala ang nakinig, nanginginig—
Hawak ang mikropono ngunit sumambulat lahat—
Nabingi sa takot kaya’t di matalunton ng niyanig na diwa…..
Dungawin mo, hirang, ang nananambitan
Sindak sa Ginhulgan! Putol ang kawad, wasak ang mga kalye’t tulay….
Ligalig sa kontragahum ng kalikasan ang naghiwa-hiwalay….
Ahas ng babayla’y sumungaw sa lupang nabiyak, pusod na nawarat--
Sumbat ba ng pasumalang tadhana ang pumagitan?
Dungawin mo, hirang
Makitid daw ang lunan natin, laging siksikan, agwat ay patlang lamang;
Gitgitan nga sa bulwagan sa Miagao bago yumanig ang lupa
Samantala, sa pintong nakabuka, nakatambad sa siwang at guwang
Ang bukiring walang bakod, gubat na pastulan, biyaya ng kalikasan….
Dungawin mo, hirang
Nadamay din kung gayon ang kuta’t kuwartel ng mga panginoon--
Gumuho ang pader ng bilangguan, napatid ang tanikala—nakalaya sila
Habang tayo’y bingi sa daing, sa humulagpos na taghoy: “Pakawalan
Ang binusalang bibig, sinugpong damdamin, ginapos na isip—”“
Iluwa, isuka ang nahuling tinig, budhing nabilibid, napiit na tagulaylay--
Bigyan ng puwang ang nasawi’t pinaslang ng makapangyarihan
Bagamat bagting ng kudyapi’y napatid ng mga bumalikwas, bumaliktad--
Sumungaw na Aladin sa gubat na maliyab ngayo’y bumibigkas:
“Dungawin mo’t hirangin ang kumakalas sa nabihag na puso’t kamalayan.”
LIWALIW SA ILOG NG LOBOC, BOHOL
Ilang araw pagkatapos lumabas sa “”yungib” ng Camp Crame
Sandaling dumalaw sa ilang bilanggong pulitikalpolitikal, narito tayo ngayon
Sakay sa bangkang may pangakong magdudulot ng galak, lugod, saya—
Mahalinang awit ng ibon, kaakit-akit na bulaklak sa pampang ng ilog
Lulan ng modernong paraw—kargado’y turistang dayuhan at balikbayan—
Upang panoorin ang talon sa dulo ng pumupulupot na ilog… umiikot…
Habang sa gitna ng lakbay, hayun ang daungan— Ay, hindi,
Entablado o plataporma pala, tanghalan ng sayaw at katutubong kariktan—
Hanap-buhay iyon ng mga nakatira sa baranggay katabi ng ilog—
Aliw handog sa mga estrangherong naakit sa unggoy Tarsier,
Tsokolateng bundok, indayog ng mga lipi nina Dagohoy at rebelde sa Jagna.
Kawili-wiling tanawin, ilog na humahagos sa mapating na dagat….
Umaapaw ang tubig mula sa mabatong bundok at gubat, sagitsit ng alon—
Rumaragasang buhos--kay pusok, kay rahas ng daluyong!
Sandaling nalimutan sa pagbaling at pagpihit ng walang layag na paraw
Ang malaking bato sa bunganga ng yungib, bago umahon dito
At iangkla ang iginaod na panaginip ng dayang-dayang sa isla ng Tawi-Tawi—
Paano ililiko ang daluyong upang maitulak ang batong takip
At salubungin ang inabatang taga-ugit ng muling pagkabuhay?
PAGNINILAY SA HARDIN NG BAHAY NI ISIS, QUEZON CITY
Habang nilalasap ang linamnam ng buko sa pananghalian
Malasin ang ganda ng harding ito, mabango, maaliwalas;
Malayo sa Gethsemane ang groto ng Birhen sa sulok
Binabantayan ng mahinhing anghel, isang bulong ng amihan,
Lingid sa ingay at alibadbaran sa City Hall at telebisyon….
Mula sa bintana’y silip ko ang mayuming nimpang nakaluhod
Sumasalok ng tubig sa sapa—para kaninong uhaw?
Magayumang tagpo ito, walang daing, himutok, o hiyawan…..
Walang alitan. Tahimik. Halimuyak ng banal na kalikasan
Ang malalanghap, walang tayo o kami—atin lahat, walang nagmamay-ari….
Walang etsapuwera, salimpusa, maluwag ang lunan kahit upahan—
Lagos-lagusan, tiwasay, nakasuksok ang tabak ng anghel sa tagiliran.
Ngunit sa dapit-hapon, alingawngaw ng trapik ang sumampa sa bakod--
Nasulyapan ko rin ang ngiti sa labi ng labanderang nagwawalis--
Sa bukana ng tarangkahan, nasagap sa utusan ang balita ng masaker
Sa Mindanao, ginahasang biktima, madugong tunggalian ng uri’t kasarian…..
“Pantayong pananaw,” di kuno, walang pag-iimbot o kasuwapangan
Ang sermon sa Simbahan at Batasan…Lumabas ako’t nagtanong—
Anong asim, pait, askad ang lasa sa dilang dati’y walang kibo?
Nakabuwelo na ang anghel, hugot ang patalim, sa maalisangsangang takipsilim.
PAGSUKAT SA TRAYEKTORYA NG PANAGIMPAN
Ngunit bakit ka nangahas na sa akin ay lumiyag
Di mo baga natalastas na ako’y may ibang hanap?
--Awit-Bayan
Dumarating sa gilid ng burol ang dayuhan
Pagkatapos ng dyugdyugan, anong mapapala?
Sinisingil ng mga balo’t ampon ang naglagalag
Bagama’t ambil sa kaniya’y taga-tuklas ng hiwaga,
Walang takot sa kawalan—lahat ay lumilipas…..
Dumarating sa kurba ng bangin ang banyaga
Habang humihinga, payo ng pantas, asikasuhin
At alagaan ang di-sakop ng bukadurang palpak—
Nakalantad sa sindak ang kaluluwang hubad,
Nabunyag sa kilabot ang katawang nakabalat-kayo.
Dumarating sa bagwis ng layag ang kasamang naligaw
Lahat ay pumapanaw, anong silbi ng awa o habag?
Gayunma’y kanlungin ang sinumang kasiping sa magdamag,
Arugain ang katiwalang narumhan, nagtaksil,
Tinalikuran, taglay ang makasalana’t inandukhang kariktan.
Dumarating sa dulo ng bahaghari ang kadugong nagpautang
Sa karimlang lumambong, dumausdos ang tagulaylay--
Umaantak sa gunita ang kumalingang dibdib
Ginahis ng pangako’t panaginip, ngayo’y nakatimbuwang,
Niyapos ng dayuhang nakilala sa kislap ng bulalakaw.
MAHAL, MAGPAKAILANMAN
Verweile doch, du bist so schon.. --Goethe, FAUST II
Hintay lang, sandali—
At sa sulok bumulong ang matiisi’t matiyagang kasama:
“Higit na mabuti
ang magsindi ng kandila kaysa isumpa ang dilim….”
Ngunit tanglaw ng bulalakaw sa iyong sulyap, kumaladkad sa ‘king katawan
hanggang sa pampang, hilahod, yapos ko, Mahal,
ang lamang sumabog, lakas ng diwa’t pusong
uminog sa karnabal
ng araw bituwin buwan ng ating buhay….
Hintay, sandali, anong ganda—
Apoy sa mata mo’y sulong pumatnubay, pinagtalik ang dilim at liwanag
sa lamang nagnanais,
nagpupuyos sa bawat himaymay ng gunita--
Sa gabing pusikit, kumikislap ang elektrisidad ng iyong hininga—
Sa kabilang pampang ng ilog doon tayo magtatagpo
malayo sa barikada, sa puntod ng Alamogordo Ground Zero Fukushima—
Bulong ko’y walang kandilang naghihintay, sumpain nawa ako
sa pagbati ng iyong sumbat, Mahal –
Ay, “pasensiya na po….”
Hintay, tila may naiwan—
Walang tiis o tiyagang kailangan, ngunit di ko matandaan kung ano….
Kung anumang natuklasang nakalimutan, puwede ba--
Ipaalam lamang, hindi paalam, Mahal ko, kundi
padayon!
TUNGKOL SA AWTOR
Kilalang kritiko at manlilikha sa larangang internasyonal, si E. SAN JUAN, Jr.
ay dating 2009 Fellow ng W.E. B. Du Bois Institute, Harvard University. Siya’y awtor ng maraming libro, kabilang na ang Balikbayang Sinta: An E. San Juan Reader (Ateneo University Press), Sapagkat Iniibig Kita (University of the Philippines Press), Tinik sa Kaluluwa; Rizal In Our Time (Anvil Publishing), Alay Sa Paglikha ng Bukang-Liwayway (Ateneo University Press), Salud Algabre (University of San Agustin Publishing House), at Balikbayang Mahal: Passages from Exile, at Sutrang Kayumanggi (LuLu.com).
Inireprint kamakailan ng U.P.UP Press ang kalipunan ng mga panunuring pampanitikan niya. na Toward a People’s Literature. Inilathala ng Lambert Academic Publishing Co., Saarbrucken, Germany, ang kaniyang Critical Interventions: From Joyce and Ibsen to Peirce and Kingston, kasunod ng In the Wake of Terror (Lexington) at US Imperialism and Revolution in the Philippines (Palgrave).
Naglingkod siya bilang Fulbright professor of American Studies sa Katholieke Universiteit Leuven, Belgium; Fellow, Center for the Humanities, Wesleyan University; at visiting professor of literature sa National Tsing Hua University, Hsinchu, Taiwan. Kamakailan, siya ay naging Residential Fellow ng Rockefeller Foundation Study & Conference Center sa Bellagio, Italya. Siya ay Kasalukuyang kasalukuyang director ng Philippines Cultural Studies Center sa Connecticut, USA, at katulong na patnugot ng maraming dyornal tulad ng Atlantic Studies, Left Curve, Cultural Logic, Kultura Kritika, at iba pa. Kasapi siya sa National Writers Union, American Civil Liberties Union, Committees of Correspondence for Democracy and Socialism, American Studies Association, Democratic Socialists of America, at Modern Language Association of America. Simula Hunyo 2012, nahirang siyang fellow ng Harry Ransom Center, University of Texas, Austin.

Comments