Posts

Showing posts from 2014
Image
AMBIL--MAKABAGONG INTERBENSIYON NI E. SAN JUAN     Kasunod sa koleksyong Mendiola Masaker (2014), mga neokonseptuwalistang tula, AMBIL ang pamagat ng bagong libro ng kritikong nakabase sa U.S., si E. San Juan, Jr. (nakatala sa amazon.com at iba pang Website).      Sinikap itanghal dito ang pag-imbento ng anti-art, eksperimental na larawang-diwang laban sa likhang institutusyonal at naka-sentro sa awtor. Ang moda ng pagsulat dito ay nakaugat sa ironya o parikala, salungat sa kombensyonal na istandard na itinuturo hanggang ngayon. Labag sa komodipikadong sining at pamantayan, adhika ni San Juan na sumulong mula sa inobasyon ng modernismong daloy ng panitik nina Abadilla at Amado Hernandez. kabalikat ang iba pang kilusang anti-kapital, mapagpalaya't avant-garde.      Bukod sa konseptuwalistang modang inumpisahan ng Dada, suryalismo, Duchamp, Fluxus, Minimalism, Pop Art, atbp, gabay ni San Juan ang alyenasyong-effekt ni Brecht at ko...

ANALEKTA ni E. San Juan, Jr.

Image
ANALEKTA:  PAKIKIPAGTALIK NG TEORYA & PRAKTIKA ni E. SAN JUAN, Jr. A. Hindi lahat ng batid o wani kailangang ipagsulit--- Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng balde-baldeng luha-- Sala sa lamig, sala sa init, sa pagmumura nagkasala'y nahuhuli-- Anak na di paluhain, ina't asawa ang patatangisin-- Dagat binubuo ng patak ng tubig, bundok ng buto't bungong maliliit-- Biyayang apoy at habagat, batuta man ay pinalalambot-- Batong-buhay ka man na sakdal tigas, unti-unting patak ng dura     tuloy maaagnas-- Malaki man at buhanghang, daig ang munting aring siksikan-- Maliit man daw ang sili may anghang na angking sarili-- Munti ma't matindi, daig ang nagmamalaki-- Mababaw man ang sugat, malalim ang ugat ng gurlis at pilat-- Kung minsan ang awa ay nagiging iwa, pasaling ma'y humihiwa-- Sugat na inilihim at tinakpan, gumaling ma'y balantukan-- Nasa tuldik ang awa, nasa lumagda ang gawa, siya nawa-- B, Iba na ang isang hawak sa palad kaysa sandamakmak na lumilipad--...

TEORYA NG REBOLUSYONG FILIPINO: Ang Halaga ni Andres Bonifacio--ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
BAKIT LAGING KAILANGAN ANG HALIMBAWA NI ANDRES BONIFACIO SA ATING PAKIKIBAKA: Ilang Mungkahi ni E. SAN JUAN, Jr.          Bagong panahon, bagong pag-aangkop ng sinaunang pananaw. Utang sa mabulas at masiglang pagsulong ng kilusang mapagpalaya mula noong dekada 1960 hanggang ngayon ang pagpupugay kay Andres Bonifacio bilang ulirang rebolusyonaryo ng sambayanan. Utang sa ilang publikong intelektuwal tulad nina Renato Constantino, Teodoro Agoncillo, Amado V. Hernandez, Jose Maria Sison, atbp., laluna kina Claro Recto, Lorenzo Tanada, at Jose Diokno na nagpasimuno sa pagtutol sa diktadurang U.S.-Marcos.     Sa kolektibong aksyon ng masa, naiahon ang nasyonalismong nailubog ng matinding Amerikanisasyon ng bansa. Naibangong muli ang dignidad ng Supremo sa pagkasadlak nito noong panahon ng Cold War at pamamayani ng komodipikadong neoliberalismo nitong huling bahagdan ng nakaraang siglo. Ngunit sa kasalukuyang yugto ng malalang krisis ng kapit...

JURAMENTADO--tula ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
JURAMENTADO?   HURAMENTADO! RESUREKSIYON? HURA!  HURA! ni E. SAN JUAN, Jr. Sabi ng mga magulang natin, takbo pag nakakita ng Moro--juramentado iyon! Hadji Kamlon--takbo!  Jabidah--takbo! Dumarating sina Nur Misuari & Hashim Salamat--Hura? Huramentado? Tapos si Marcos, tapos si Cory Aquino, dumating ang Al-Qaeda O sige, bumaba sa Bud Dajo at Bud "Weiser" ang Abu Sayyaf-- Abdurarajak Janjalani--Khadaffy Janjalani--takbo! Baka Taliban, takbo! Pirata sa Palawan, takbo! Dumating ang US Special Forcs & drone, todas na ang Abu Sayyaf-- Napatay ng AFP si Zulfik bin Abdulhim alyas Marwan Pero nabuhay raw muli--takbo na naman! Saksi ang midya, walang duda, ibinigay sa AFP ang 1.5 milyong dolyar-- Iusod ang siwang ng sepulkro sa Camp Abubakar, nabuhay raw muli! Resureksiyon!  Takbo muli! Aswang ng Abu Sayyaf? Kulam ni Osama bin laden? Jihad ni Ampatuan? Hura! Hura! Huramentado! Nagtampisaw si Marwan sa lagusang masikip sa gubat ni Florante't Aladin Nanlilimahid a...

JURAMENTADO! TARANTADO? HURA? HURA!

Image
JURAMENTADO?   HURAMENTADO! RESUREKSIYON? HURA!  HURA! ni E. SAN JUAN, Jr. Sabi ng mga magulang natin, takbo pag nakakita ng Moro--juramentado iyon! Hadji Kamlon--takbo!  Jabidah--takbo! Dumarating sina Nur Misuari & Hashim Salamat--Hura? Huramentado? Tapos si Marcos, tapos si Cory Aquino, dumating ang Al-Qaeda O sige, bumaba sa Bud Dajo at Bud "Weiser" ang Abu Sayyaf-- Abdurarajak Janjalani--Khadaffy Janjalani--takbo! Baka Taliban, takbo! Pirata sa Palawan, takbo! Dumating ang US Special Forcs & drone, todas na ang Abu Sayyaf-- Napatay ng AFP si Zulfik bin Abdulhim alyas Marwan Pero nabuhay raw muli--takbo na naman! Saksi ang midya, walang duda, ibinigay sa AFP ang 1.5 milyong dolyar-- Iusod ang siwang ng sepulkro sa Camp Abubakar, nabuhay raw muli! Resureksiyon!  Takbo muli! Aswang ng Abu Sayyaf? Kulam ni Osama bin laden? Jihad ni Ampatuan? Hura! Hura! Huramentado! Nagtampisaw si Marwan sa lagusang masikip sa gubat ni Florante't Aladin Nanlilimahid a...

NATIONALISM, THE POSTCOLONIAL STATE, & VIOLENCE--by E. SAN JUAN, Jr.

Image
NATIONALISM, THE POSTCOLONIAL STATE, AND VIOLENCE by E. SAN JUAN, Jr. Fellow, Center for the Humanities, Wesleyan University It has become axiomatic for postmodernist thinkers to condemn the nation and its corollary terms, "nationalism" and "nation-state," as the classic evils of modern industrial society. The nation-state, its reality if not its concept, has become a kind of malignant paradox if not a sinister conundrum. It is often linked to violence and the terror of "ethnic cleansing." Despite this the United Nations and the interstate system still function as seemingly viable institutions of everyday life. How do we explain this development? Let us review the inventory of charges made against the nation-state. Typically described in normative terms as a vital necessity of modern life, the nation-state has employed violence to accomplish questionable ends. Its disciplinary apparatus is indicted for commi...

TAO TE CHING-- salin sa Filipino ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
TAO TE CHING  /  DAO DE JING  / LANDAS AT KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN Translated into Filipino by E. SAN JUAN, Jr. 1.     Ang Taong naisasawika ay hindi ang di-nagbabagong Tao. Ang pangalang naisasambit ay hindi ang pangalang walang pag-iiba. Ang walang pangalan ang matris ng langit at lupa. Ang umiiral ang ngalan ng ina ng lahat ng nilikha. Samaktwid, dapat itampok ang kawalan. Laging walang pagnanais, makikita mo ang mahiwagang kababalaghan. Laging nagnanais, mapapansin mo ang nakamamanghang landas. Itampok ang umiiral kung nais sapulin ang saklaw ng landas. Nagbubuhat ang wala’t mayroon sa isang bukal, ngunit magkaiba ang taguri, Dilim sa kadiliman, lumalabas na tila karimlan ang dalawang pangyayaring napakalalim. Sila ang tarangkahan sa lahat ng hiwaga. 2. Sa ilalim ng langit, alam ng lahat ang lakas ng ganda bilang kagandahan ay nakasalalay sa kapangitan. Batid ng lahat ang buti ay kabutihan lamang sapagkat nakasalala...