BALINTUNAY
HINUHA’T MUNGKAHING BALINTUNAY
Ni E. SAN JUAN, Jr.
1. Katulad ng propetang sumulat sa buhangin hinuhulaan ang gayuma ng babaeng lumagda ng kababalaghan
2. Sa sulong umaandap nagkristal ang uling sa tuminding kislap ng diyamante
3. Iminungkahi na ang tumpak na landas ay isang lubid na bahagyang nakaangat sa lupa upang tisurin ka imbes na gabayan at ugitan
4. Sa unang pagkanulo ang sakit dito’y hindi sumusuob sa luwalhating darating kaya di nalililiman ng ligayang taksil sa bawat sandali umula’t umaraw man
5. Maraming lugar na mapagsisilungan ngunit isa lamang ang pook ng katubusan bagamat maraming paraan ng pagtubos at pagkanlong
6. Pagkatapos ng unang pagtataksil nasulyapan natin sa entablado ang ngiti ng dalaga sa kanyang irog habang nagmunukalang inireserba ang isa para sa iyo Ay naku nuynuyin na lamang ang sisteng ito
7. Naglalaro pa lamang ang mga hayop sa bakuran ng mangangaso di na makatakas ang mga usa gaano man kabilis ang kanilang pagmamadaling lumigpit sa gubat
8. Isang dipa lamang ang layo ng batis sa uhaw ng katoto subalit nagdalawang-loob kaya sa kabila ng hinala kapwa mauutas silang dalawa
9. Bawat pag-aari’y nakaw ngunit sino ang mag-aangkin ng regalo sa sinta at ang sakripisyo sa mga naglalaway na bulto’t santong pinipithaya
10. Walang kawawaan sa taglay na kapalaran, magbabangon ang dayukdok na alipin samantalang umiilag/lumilihis sa tumbalik at balighong arangkada ng tadhana
11. Natuklasan sa buntot ang ulo ng sabwatan hanggang hamog sa talulot ang umaasong patak ng luha sa mulagat na nagsuplong
12. Mabuti pang magdusa kaysa pagmalupitan ang kapwa kaya niyakap ng pilosopo ang kabayong binugbog sa Torino
13. Malas ang mahuli ka sa bilang na ito bukas makalawa’y muntik-muntikanang karamay ka sa di maiiwasang sakuna
--E. SAN JUAN, Jr.

Comments