MULA SA BITUKA NG HAYOP--tula ni E. San Juan, Jr.


TELEGRAMA  MULA   SA    “BITUKA  NG  HAYUP”



                        --“ I want no prisoners… I want you to kill and burn….”
                        —Gen. Jacob Smith, Balangiga, Samar, Philippines, 1901



Bayan ng gatas at pulot-pukyutan.

Limahid na mga lasing  nakalupasay  sa bangketa sa Bowery sa tanghaling tapat.

Sa bawat kanto ng gusaling Empire State  mga nagdidilihensiyang panhandler.

Sa Times Square, mga putang  gumagala     (pa-cute daw)       “Oh bebi bebi!”

Ang mga kakutsabang voyeur ni Col. Edward Lansdale, padrino ni Magsaysay.

Anong grasyang hinihintay ng mga kalapating nagtipanan sa lawa sa Central Park?

Kinalaboso  si “Jesus Christ Superstar.”

Umuugong sa tunel ng Broadway  patungong Brooklyn Bridge ni Hart Crane.

Sa Wall Street nakaladlad ang mapupulang balahibong balabal at alampay.

Habang nagpapaulan ng napalm si John McCain at kawan ng  B-52  sa Byetnam.

38 kapit-bahay ang nakasaksi sa pagpaslang kay Kitty Genovese.

Kahit isa may walang sumaklolo.

Wala bang pananagutan.

May pitong lobong gumagala sa paanan ng Statue of Liberty malapit sa Ellis Island.

Sa pusod ng hayop may bakas pa (hanggang ngayon) ng mga paa ng mga pilgrim.


“I shall return.”  Sayonara!   Hanggang sa piyer sa look ng Maynila. 

Alingawngaw ng mga kampanang dumadagundong sa Cheyenne Wyoming
             ninakaw mula sa simbahan ng Balangiga Samar.

Mabuhay  (Motherfugger)      Madapa ka, madapa ka!   Ay, Titi ng Ama!

Comments

Popular posts from this blog

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

INTRODUKSIYON KAY EFREN ABUEG--E. San Juan, Jr.

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.