PAGSUBOK SA PAKIKIRAMAY




PAGSUBOK  SA PAKIKIRAMAY SA BAWAT NILIKHA



Sa unang bugso ng pagsuway   namangha’t nagtaka
Kahit biglang lumihis,  bumangga pa rin

May biktimang humiyaw ngunit walang saklolo
Di akalaing magtatagpo ang daang magkaagapay

Bagamat nagbabaka-sakali, naaksidente pa rin pagliko
Di natin tahanan ang lungsod kaya tahan na

Sa sindak nabunggo ang katunayang di sinasadya
Kaya alisin mo na ang sutlang saplot sa ‘yong mukha

Sa natuklasang daan  humiwalay ang kaakbay
Walang anghel ang magbubunyag ng kasalanang lihim

Pagtawid    batiin ang kaluluwang kapusta sa sugal
Sa gitna ng lansangan   totoo bang nagsinungaling ka?

Nag-aabang pagliko ang kilabot ng mukha mo sa salamin
Ngunit libog lamang ‘yon ng guniguning nakipagsapalaran.


--E. SAN JUAN, Jr.

Comments

Popular posts from this blog

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

INTRODUKSIYON KAY EFREN ABUEG--E. San Juan, Jr.

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.