ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima ng AFP/PNP terorismo, tinangkang bumisita sa kanila habang nakapiit sa Camp Bagong Diwa, Taguig, ang isang grupo ng makata at pintor. Nais ng Defend-ST, Artists Arresst, at Kilometer 64 na magdaos ng workshop para sa mga bilanggo. Bagamat may pahintulot sa BJMP-Capitol Region, hindi sila pinahintulutan ng jail warden. Ipinagbawalan. Mapanganib ang sining. Di lamang nakapupukaw, nakagagambala pa. Walang lusot ang mga dumaramay. Bukod sa marahas na strip search na bati ng mga guwardiya, kinumpiska ng mga awtoridad ang lahat ng babasahin. Kinunan ng litrato ang mga alagad ng sining, inimbestiga at pinagtatatanong. Itinuring ang mga dalaw na mga kriminal (ulat ni Ronalyn Olea, Bulatlat, 5 Oktubre 2010). Sinamsam ang ilang babasahin kritikal sa rehimeng Arroyo. Sindak at takot ang naghari. Sa malas, hindi ito nakagugulat. Noong bungad ng dekada 80...
Comments